Ang pangingimbulo ng dimonyo sa
mag-asawang ama nating si Adan at
Eba
photocredit:freepictures
Yaong arbol de la ciencia
dili iba't and mansana
bawal kay Ada't kay Eba,
na ang kumain ng bunga
tantong mapapalamara.
Sa pagsasamang mahusay
niyong si Eba't si Adan
buong kaluwalhatian,
ang kanilang kinakamtan
sa Paraiso terrenal.
Ng makita ng demonyo
luwalhati nilang ito
alipala'y nangimbulo,
loob ay di magkatuto
at parating gulong-gulo.
Aniya'y di katuwiran
na ang taong hamak lamang
ako'y pagpapalaluan,
sila'y buong katuwaan
at ako'y Kahirapan.
Ako'y hindi nga tutugot,
anitong hunghang na loob
hanggang di ko malamuyot,
maraming salang masunog
at sa apoy ay marubdob.
Doo'y yaong magdaraya
sa ahas ay nakimukha,
at sa kahoy na bawal nga,
ng Diyos na makalinga
namulupot alipala.
Mana nga'y sa paglilibang
ni Eba at pagpapasyal
panonood ng halaman,
duon niya napagmasdan
kahoy na bilin at bawal.
Sa kawiliha't ligaya
ng kanilang mga mata
sa pagmamasid ng bunga,
nag-wika kapag karaka
ang demonyong palamara.
Eba, anang sinungaling
ano’t hindi ka kumain
nitong bunga at kumitil?
sinagot ni Ebang tambing
iyan ay bawal sa amin.
Ang Diyos na Poong Mahal
siyang sa ami'y nagbawal
at kung kami ay sumuway,
kumain ng bungang iyan
baka kami ay mamatay.
Ang tugon ng palamara
ay hindi gayon aniya
kaya bawal itong bunga,
baka kayo ay mapara
at matulad sa kaniya.
Gayong wika't ng marinig
ni Ebang mahinang isip
naniwala nang maakit,
sa sabing ipinagsulit
niyong demonyong malupit.
Nuti na ngani si Eba
bunga ng kahoy na sala
kumain na kapagdaka,
saka niya dinalhan pa
ang sinta niyang asawa.
Pinakain niyang tunay
ang esposong kaibigan
sa malaking alang-alang,
at dalang sinta ni Adan
kay Eba'y hindi sumuway.
Nang makakaing matapos
ang mag-asawang sing-irog
doon nila napanood,
at nakilalang tibobos
salang nagawa sa Diyos.
Doon na nga napagmasdan
ang lagay nila at asal;
ano pa ngani't sinidlan,
ng takot at kahihiyan
pangambang di ano lamang.
Agad silang nagsikuha
niyong dahon na higera
tinakpan kapag karaka,
ang mga katawan nila
hiyang walang makapara.
Sa malaking kagalitan
ng Diyos na Poong Mahal
nanaog na di naliban,
at saka pinangusapan
ang ama nating si Adan.
Sa katakutan at hiya
si Adan sa pagkalisya,
siya ay nagtagong kusa
di maisilay ang mukha
sa Panginoong dakila.
Adan, anang Diyos Ama
ano baga't sumuway ka,
sa aki'y di tumalima,
kinain ninyong talaga
ang Aking bawal na bunga?
Nang kay Adan ay masabi
ay sumagot ng gayari:
Diyos ko, aniya kasi,
Mulier, quam dediste mihi
dedit mihi de ligno et comedi.
Itong babaing bigay mo
na kasamahin ko rito
sa aki'y siyang tumukso,
at nagpakaing totoo
bungang ipinag-bawal Mo.
Tinanong naman si Eba
ng ganitomg parirala
ay babae bakit baga,
tikis kang nagpalamara
sinuway akong talaga?
Sagot ni Eba at wika
Poong Haring darakila
itong ahas na kuhila,
sa aki'y siyang nagdaya
humibo't nagwika-wika.
Sinumpa na kapagkuwan
ng Diyos itong bulaan
ay, aniya tampalasan,
magpangayo't kailan man
sa lupa ka ay gagapang.
Ikaw at itong babae,
magtatanim na parati,
sa supling niya at iwi,
sisipot siyang aapi
sa kalupitan mong dati.
Ito ang siyang sumpa Ko
sa iyo, lilong demonyo
isang babae ring tao,
balang araw'y paririto
yuyurak ng iyong ulo.
Nang ito nga ay mawika
nitong Diyos na dakila
ay nilingon alipala
ang babaing alibugha't
kaniya naman sinumpa.
Anang Diyos na maalam
babae ay ikaw naman
totoong masasakupan,
ng buong kapangyarihan
ng asawang kaibigan.
Lalong hirap lalong dusa
ang sasapitin mo Eba
sakit na walang kapara,
kung maglihi't manganak ka
sa lahat mong ibubunga.
At ikaw, Adang suwail
na di sumunod sa akin
madlang hirap ang daratnin,
na ang lahat mong kakanin
sa iyong pawis manggagaling.
Itong abang mag-asawa
pinaramtan kapagdaka,
ng damit na masasaya
nang matapos iniwan na
ng Diyos na Poong Ama.
Nanaog nga at sukat
kerubing sakdal ng dilag,
isang espada ang hawak,
nagbabaga't nagniningas
daig ang mabisang kidlat.
Agad ipinagtabuyan
yaong si Eba at si Adan
at sila ay pinapanaw,
pinaalis pinaluwal
sa paraisong pintuan.
Pinto'y binantayang tambing
niyong mahal na Kerubin
sino ma'y di papasukin,
lupang yao'y inilihim
ng Diyos na poon natin.
Nang is Adan at si Eba
manaw sa lupang maganda
agad nilang nakilala,
pagod, gutom at pangamba
hirap na walang kapara.
Dahil doon sa pagsuway
agad silang binawian
ng grasia at dilang bagay,
pinawi nama't pinaram
ang Hustiva orihinal.
Tayo namang anak nila
paraparang nangahawa
niyong wikang ibinadya,
orihinal bagang sala
mana kay Ada't kay Eba.
Ano pa't hindi maisip
pangamba at madlang sakit
narating nila't nasapit,
nang pumanaw at umalis
doon sa lupang marikit.
At kung kanilang makita
doon at maaalala
ang una nilang ginhawa,
hapis, lumbay sabihin pa
ng kanilang kaluluwa.
Ang nagawang kamalian
laking katampalasan,
dahil doon sa pagsuway,
kanilang pinagsisihan
tinangisan gabi't araw.
Itong si Ada't si Eba
ay nag-anak ng dalawa
na lalaking para-para,
si Kain ang una-una
si Abel ang pangalawa.
Sinabi nama't tinuran
na sila'y panggagalingan
niyong sasakop sa tanan,
papawi ng kabagsikan
ng demonyong tampalasan.
Ano pa't itong dalawa
anak ni Ada't ni Eba
pawang nagsisitalima,
sa utos at madlang pita
ng kanilang ama’t ina.
Nang lumaki't magkaisip
ang dalawang magkapatid
sila nga at nangagbukid,
at naghanap na masakit
sa ama't ina’y pag-ibig.
A
no nga'y sa kainggitan
dalang kapanaghilian
ni Kain lilo't sukaban,
si Abel agad pinatay
sa gitna ng kabukiran.
Dugong tunay ng kapatid
ang sumisigaw sa Langit
ang hinging ipinilit,
gantihing huwag malihis
ang kaka niyang malupit.
Ano nga'y sa kataksilan
nitong lilong nakamatay
sala'y di pinagsisihan,
umalis na nga't pumanaw
gumala-gala sa parang.
Kaya nga't ang napagsapit
nitong si Kain malupit
ang hininga ng mapatid
kaluluwa'y ibinulid
sa balong kasakit-sakit.
Ang ikatlo baga bilang
anak ni Eba't ni Adan
ay si Seth nga ang pangalan,
mabait, magandang asal
masunurin sa magulang.
Nang dumami't kumapal na
anak ni Ada't ni Eba
magkakapatid man sila,
doo'y nag-asa-asawa
nagpisan at nangagsama.
Siya na ngang pagdami
nang tao sa buong Orbe,
si Enoc na descendiente,
si Seth siyang nagpuri
sa Diyos at napakasi.
Datapuwa't ang naging bunga
ni Kain at desendesia
ay sumamang parapara,
totoong di kumilala
sa Diyos Poong Ama.
Ang ama nating si Adan
dito sa mundo'y nabuhay
siyam na raang taong gulang,
tatlumpu ang kalabisan
ng edad niya at gulang.
Ano pa't ang buong mundo
nalaganapan ng tao,
sa kainggitang totoo
ng tampalasang demonyo
ang lahat pawang tinukso.
Inupatang parapara
ang tanang anak ni Eba
na sa kaniya'y sumama,
sa Diyos huwag kumilala
at huwag namang sumamba.
Sa malaking kagalitan
nitong Diyos na maalam
buong mundo ay ginunaw,
na walo katao lamang
iniligtas, di namatay.
Si Noe na mag-asawa
sampung tatlong anak nila
at asawang titig-isa,
yaong lamang ang natira
sa tanang anak ni Eba.
Kaya ngayon ay ang dapat
tayo'y maniwala't sukat
sa Diyos Haring mataas,
na naawa at nahabag
sa sakit natin at hirap.
Yayang dahilan sa sala
niyong si Ada't si Eba
nagkatawang tao na,
pumili ng magiging Ina
ang ikalawang Persona.
mag-asawang ama nating si Adan at
Eba
photocredit:freepictures
Yaong arbol de la ciencia
dili iba't and mansana
bawal kay Ada't kay Eba,
na ang kumain ng bunga
tantong mapapalamara.
Sa pagsasamang mahusay
niyong si Eba't si Adan
buong kaluwalhatian,
ang kanilang kinakamtan
sa Paraiso terrenal.
Ng makita ng demonyo
luwalhati nilang ito
alipala'y nangimbulo,
loob ay di magkatuto
at parating gulong-gulo.
Aniya'y di katuwiran
na ang taong hamak lamang
ako'y pagpapalaluan,
sila'y buong katuwaan
at ako'y Kahirapan.
Ako'y hindi nga tutugot,
anitong hunghang na loob
hanggang di ko malamuyot,
maraming salang masunog
at sa apoy ay marubdob.
Doo'y yaong magdaraya
sa ahas ay nakimukha,
at sa kahoy na bawal nga,
ng Diyos na makalinga
namulupot alipala.
Mana nga'y sa paglilibang
ni Eba at pagpapasyal
panonood ng halaman,
duon niya napagmasdan
kahoy na bilin at bawal.
Sa kawiliha't ligaya
ng kanilang mga mata
sa pagmamasid ng bunga,
nag-wika kapag karaka
ang demonyong palamara.
Eba, anang sinungaling
ano’t hindi ka kumain
nitong bunga at kumitil?
sinagot ni Ebang tambing
iyan ay bawal sa amin.
Ang Diyos na Poong Mahal
siyang sa ami'y nagbawal
at kung kami ay sumuway,
kumain ng bungang iyan
baka kami ay mamatay.
Ang tugon ng palamara
ay hindi gayon aniya
kaya bawal itong bunga,
baka kayo ay mapara
at matulad sa kaniya.
Gayong wika't ng marinig
ni Ebang mahinang isip
naniwala nang maakit,
sa sabing ipinagsulit
niyong demonyong malupit.
Nuti na ngani si Eba
bunga ng kahoy na sala
kumain na kapagdaka,
saka niya dinalhan pa
ang sinta niyang asawa.
Pinakain niyang tunay
ang esposong kaibigan
sa malaking alang-alang,
at dalang sinta ni Adan
kay Eba'y hindi sumuway.
Nang makakaing matapos
ang mag-asawang sing-irog
doon nila napanood,
at nakilalang tibobos
salang nagawa sa Diyos.
Doon na nga napagmasdan
ang lagay nila at asal;
ano pa ngani't sinidlan,
ng takot at kahihiyan
pangambang di ano lamang.
Agad silang nagsikuha
niyong dahon na higera
tinakpan kapag karaka,
ang mga katawan nila
hiyang walang makapara.
Sa malaking kagalitan
ng Diyos na Poong Mahal
nanaog na di naliban,
at saka pinangusapan
ang ama nating si Adan.
Sa katakutan at hiya
si Adan sa pagkalisya,
siya ay nagtagong kusa
di maisilay ang mukha
sa Panginoong dakila.
Adan, anang Diyos Ama
ano baga't sumuway ka,
sa aki'y di tumalima,
kinain ninyong talaga
ang Aking bawal na bunga?
Nang kay Adan ay masabi
ay sumagot ng gayari:
Diyos ko, aniya kasi,
Mulier, quam dediste mihi
dedit mihi de ligno et comedi.
Itong babaing bigay mo
na kasamahin ko rito
sa aki'y siyang tumukso,
at nagpakaing totoo
bungang ipinag-bawal Mo.
Tinanong naman si Eba
ng ganitomg parirala
ay babae bakit baga,
tikis kang nagpalamara
sinuway akong talaga?
Sagot ni Eba at wika
Poong Haring darakila
itong ahas na kuhila,
sa aki'y siyang nagdaya
humibo't nagwika-wika.
Sinumpa na kapagkuwan
ng Diyos itong bulaan
ay, aniya tampalasan,
magpangayo't kailan man
sa lupa ka ay gagapang.
Ikaw at itong babae,
magtatanim na parati,
sa supling niya at iwi,
sisipot siyang aapi
sa kalupitan mong dati.
Ito ang siyang sumpa Ko
sa iyo, lilong demonyo
isang babae ring tao,
balang araw'y paririto
yuyurak ng iyong ulo.
Nang ito nga ay mawika
nitong Diyos na dakila
ay nilingon alipala
ang babaing alibugha't
kaniya naman sinumpa.
Anang Diyos na maalam
babae ay ikaw naman
totoong masasakupan,
ng buong kapangyarihan
ng asawang kaibigan.
Lalong hirap lalong dusa
ang sasapitin mo Eba
sakit na walang kapara,
kung maglihi't manganak ka
sa lahat mong ibubunga.
At ikaw, Adang suwail
na di sumunod sa akin
madlang hirap ang daratnin,
na ang lahat mong kakanin
sa iyong pawis manggagaling.
Itong abang mag-asawa
pinaramtan kapagdaka,
ng damit na masasaya
nang matapos iniwan na
ng Diyos na Poong Ama.
Nanaog nga at sukat
kerubing sakdal ng dilag,
isang espada ang hawak,
nagbabaga't nagniningas
daig ang mabisang kidlat.
Agad ipinagtabuyan
yaong si Eba at si Adan
at sila ay pinapanaw,
pinaalis pinaluwal
sa paraisong pintuan.
Pinto'y binantayang tambing
niyong mahal na Kerubin
sino ma'y di papasukin,
lupang yao'y inilihim
ng Diyos na poon natin.
Nang is Adan at si Eba
manaw sa lupang maganda
agad nilang nakilala,
pagod, gutom at pangamba
hirap na walang kapara.
Dahil doon sa pagsuway
agad silang binawian
ng grasia at dilang bagay,
pinawi nama't pinaram
ang Hustiva orihinal.
Tayo namang anak nila
paraparang nangahawa
niyong wikang ibinadya,
orihinal bagang sala
mana kay Ada't kay Eba.
Ano pa't hindi maisip
pangamba at madlang sakit
narating nila't nasapit,
nang pumanaw at umalis
doon sa lupang marikit.
At kung kanilang makita
doon at maaalala
ang una nilang ginhawa,
hapis, lumbay sabihin pa
ng kanilang kaluluwa.
Ang nagawang kamalian
laking katampalasan,
dahil doon sa pagsuway,
kanilang pinagsisihan
tinangisan gabi't araw.
Itong si Ada't si Eba
ay nag-anak ng dalawa
na lalaking para-para,
si Kain ang una-una
si Abel ang pangalawa.
Sinabi nama't tinuran
na sila'y panggagalingan
niyong sasakop sa tanan,
papawi ng kabagsikan
ng demonyong tampalasan.
Ano pa't itong dalawa
anak ni Ada't ni Eba
pawang nagsisitalima,
sa utos at madlang pita
ng kanilang ama’t ina.
Nang lumaki't magkaisip
ang dalawang magkapatid
sila nga at nangagbukid,
at naghanap na masakit
sa ama't ina’y pag-ibig.
A
no nga'y sa kainggitan
dalang kapanaghilian
ni Kain lilo't sukaban,
si Abel agad pinatay
sa gitna ng kabukiran.
Dugong tunay ng kapatid
ang sumisigaw sa Langit
ang hinging ipinilit,
gantihing huwag malihis
ang kaka niyang malupit.
Ano nga'y sa kataksilan
nitong lilong nakamatay
sala'y di pinagsisihan,
umalis na nga't pumanaw
gumala-gala sa parang.
Kaya nga't ang napagsapit
nitong si Kain malupit
ang hininga ng mapatid
kaluluwa'y ibinulid
sa balong kasakit-sakit.
Ang ikatlo baga bilang
anak ni Eba't ni Adan
ay si Seth nga ang pangalan,
mabait, magandang asal
masunurin sa magulang.
Nang dumami't kumapal na
anak ni Ada't ni Eba
magkakapatid man sila,
doo'y nag-asa-asawa
nagpisan at nangagsama.
Siya na ngang pagdami
nang tao sa buong Orbe,
si Enoc na descendiente,
si Seth siyang nagpuri
sa Diyos at napakasi.
Datapuwa't ang naging bunga
ni Kain at desendesia
ay sumamang parapara,
totoong di kumilala
sa Diyos Poong Ama.
Ang ama nating si Adan
dito sa mundo'y nabuhay
siyam na raang taong gulang,
tatlumpu ang kalabisan
ng edad niya at gulang.
Ano pa't ang buong mundo
nalaganapan ng tao,
sa kainggitang totoo
ng tampalasang demonyo
ang lahat pawang tinukso.
Inupatang parapara
ang tanang anak ni Eba
na sa kaniya'y sumama,
sa Diyos huwag kumilala
at huwag namang sumamba.
Sa malaking kagalitan
nitong Diyos na maalam
buong mundo ay ginunaw,
na walo katao lamang
iniligtas, di namatay.
Si Noe na mag-asawa
sampung tatlong anak nila
at asawang titig-isa,
yaong lamang ang natira
sa tanang anak ni Eba.
Kaya ngayon ay ang dapat
tayo'y maniwala't sukat
sa Diyos Haring mataas,
na naawa at nahabag
sa sakit natin at hirap.
Yayang dahilan sa sala
niyong si Ada't si Eba
nagkatawang tao na,
pumili ng magiging Ina
ang ikalawang Persona.
0 comments:
Post a Comment