LUNES SANTO
Si S. Marcos ang nangusap
sa Ebanghelyo’y sinulat;
di umano’y ang Mesias,
nang Lunes muling lumakad
sa Herusalem tumambad.
Doon sa paglakad nila,
sa daan ay may nakita
na isang punong higera,
ang daho’y kaaya-aya
nguni’t wala namang bunga.
Yaong puno ng halaman
ng higera ang pangalan
walang bunga ni isa man
ay sinumpa kapagkuwan
nito ngang Poong Maykapal.
Pagtataka’y mago’t mago
niyong mga disipulo
doon nila napagsino
na ang higera ngang ito
ang katulad at ang tao.
Katulad nga at kabagay
ng taong makasalanan
na kung walang kabanalan
ang dahon ma’y malalabay
ay wala ring pakinabang.
Sapagka’t ang tao pala
ay katampatang mamunga
ng mga gawang maganda
at kung dili’y mapapara
sa sinumpa ngang higera.
Nang si Hesus ay masok na
sa Templo ay may nakita,
mga tindaha’t lamesa,
itinapong parapara
isa ma’y walang natira.
Sa malaking kagalitan
nitong Diyos na maalam,
sila’y ipinagtabuyan,
kusang magpapakamura.
Sinabi niya’t tinuran
ang buong kapangyarihan
sampu nang kaparusahan,
sa sinomang sumasalansang
ng kaniyang kautusan.
Sinaysay ang madlang hirap
na daratnin ng Mesias;
darakpin ng mararahas,
at tataliang di hamak,
aariing isang uslak.
Ano pa at itinitik
sa buong Salmos ni David
ang buhay na masasapit,
hirap at madlang pasakit
niyong Berbong mapagtiis.
Ang Propetang si Miqueas
siyang nagsabi’t sumulat,
sa Belen ipinanganak
at doon din nga sisikat
yaong mahal na Mesias.
At yaong namang Propeta
si Isias ang nagbadya,
isang dalaga aniya,
maglilihing walang sala
at manganganak ng isa.
At yaong iaanak din
tatawaging Emmanuel
kung baga tatagalugin,
ngayon yaon ay ang turing,
Diyos at sumasa-atin.
Ecce virbo concipiet, et
pariet filium et vocabitur
52
ito, aniya’y simbahan
at di dapat pagtindahan.
Ang sino mang matuwain
at budhing lubhang matining
sa Diyos na Poon natin,
dito’y dapat na manalangin,
at di dapat na hamakin.
Nang mangaral na sa Templo
ang Poong si Hesukristo,
pinagbuntunan ng tao,
eskribas at pariseo
at ang iba pang mga hudyo.
Ani San Juan kay Kristo,
nagtanong ang mga lilo,
anong ipakikita mo,
sa akin at patotoo
at ginawa mo nga ito.
Ang sagot ni Kristo naman
itong mahal na Simbahan,
igiba ninyo’t ihapay
itatayo ko ring tunay
sa loob ng tatlong araw.
Ang sa hudyong itinuring,
simbahang ito nang gawin
ay apatnapu at anim
ang taon sa bilang namin
bago nayaring magaling.
Saka ngayo’y tuturan mo
sa amin ay pangahas mo
kung igiba itong templo,
sa tatlong araw na husto
iuuli mong magbago.
Ang isip at sapantaha
ng mga hudyong kuhila,
ang Templong kahanga-hanga
mauuli kung masira
bago yao’y talinghaga.
Ang katawan nga ni Kristo
ang iuuling magbago,
na sa araw na ikatlo,
mabubuhay na totoo,
hindi ang tunay na Templo.
Kung baga magkagayon man
na iuuli ang Simbahan
anong pagkakaliwagan?
kung ang buong Santinakpan
nayari sa wika lamang.
Ipinangaral na niya
yaong Sermon de la Vina,
ang maghasik ng maganda,
mag-aaning walang sala
ng tuwa’t madlang ligaya.
Nguni’t ang mga sukaban,
nagpunla ng kasamaan,
wala namang makakamtan,
at walang kasasapitan
kung hindi nga kahirapan.
Kaya alin ka ma’t sino
na nakaririnig nito
ang iyong isipin dito,
ang isinermon ni Kristo
na halimbawa sa tao.
Ang pangangaral ng ating
Panginoong Hesukristo sa
kaniyang mga alagad
Si S. Marcos ang nangusap
sa Ebanghelyo’y sinulat;
di umano’y ang Mesias,
nang Lunes muling lumakad
sa Herusalem tumambad.
Doon sa paglakad nila,
sa daan ay may nakita
na isang punong higera,
ang daho’y kaaya-aya
nguni’t wala namang bunga.
Yaong puno ng halaman
ng higera ang pangalan
walang bunga ni isa man
ay sinumpa kapagkuwan
nito ngang Poong Maykapal.
Pagtataka’y mago’t mago
niyong mga disipulo
doon nila napagsino
na ang higera ngang ito
ang katulad at ang tao.
Katulad nga at kabagay
ng taong makasalanan
na kung walang kabanalan
ang dahon ma’y malalabay
ay wala ring pakinabang.
Sapagka’t ang tao pala
ay katampatang mamunga
ng mga gawang maganda
at kung dili’y mapapara
sa sinumpa ngang higera.
Nang si Hesus ay masok na
sa Templo ay may nakita,
mga tindaha’t lamesa,
itinapong parapara
isa ma’y walang natira.
Sa malaking kagalitan
nitong Diyos na maalam,
sila’y ipinagtabuyan,
kusang magpapakamura.
Sinabi niya’t tinuran
ang buong kapangyarihan
sampu nang kaparusahan,
sa sinomang sumasalansang
ng kaniyang kautusan.
Sinaysay ang madlang hirap
na daratnin ng Mesias;
darakpin ng mararahas,
at tataliang di hamak,
aariing isang uslak.
Ano pa at itinitik
sa buong Salmos ni David
ang buhay na masasapit,
hirap at madlang pasakit
niyong Berbong mapagtiis.
Ang Propetang si Miqueas
siyang nagsabi’t sumulat,
sa Belen ipinanganak
at doon din nga sisikat
yaong mahal na Mesias.
At yaong namang Propeta
si Isias ang nagbadya,
isang dalaga aniya,
maglilihing walang sala
at manganganak ng isa.
At yaong iaanak din
tatawaging Emmanuel
kung baga tatagalugin,
ngayon yaon ay ang turing,
Diyos at sumasa-atin.
Ecce virbo concipiet, et
pariet filium et vocabitur
52
ito, aniya’y simbahan
at di dapat pagtindahan.
Ang sino mang matuwain
at budhing lubhang matining
sa Diyos na Poon natin,
dito’y dapat na manalangin,
at di dapat na hamakin.
Nang mangaral na sa Templo
ang Poong si Hesukristo,
pinagbuntunan ng tao,
eskribas at pariseo
at ang iba pang mga hudyo.
Ani San Juan kay Kristo,
nagtanong ang mga lilo,
anong ipakikita mo,
sa akin at patotoo
at ginawa mo nga ito.
Ang sagot ni Kristo naman
itong mahal na Simbahan,
igiba ninyo’t ihapay
itatayo ko ring tunay
sa loob ng tatlong araw.
Ang sa hudyong itinuring,
simbahang ito nang gawin
ay apatnapu at anim
ang taon sa bilang namin
bago nayaring magaling.
Saka ngayo’y tuturan mo
sa amin ay pangahas mo
kung igiba itong templo,
sa tatlong araw na husto
iuuli mong magbago.
Ang isip at sapantaha
ng mga hudyong kuhila,
ang Templong kahanga-hanga
mauuli kung masira
bago yao’y talinghaga.
Ang katawan nga ni Kristo
ang iuuling magbago,
na sa araw na ikatlo,
mabubuhay na totoo,
hindi ang tunay na Templo.
Kung baga magkagayon man
na iuuli ang Simbahan
anong pagkakaliwagan?
kung ang buong Santinakpan
nayari sa wika lamang.
Ipinangaral na niya
yaong Sermon de la Vina,
ang maghasik ng maganda,
mag-aaning walang sala
ng tuwa’t madlang ligaya.
Nguni’t ang mga sukaban,
nagpunla ng kasamaan,
wala namang makakamtan,
at walang kasasapitan
kung hindi nga kahirapan.
Kaya alin ka ma’t sino
na nakaririnig nito
ang iyong isipin dito,
ang isinermon ni Kristo
na halimbawa sa tao.
Ang pangangaral ng ating
Panginoong Hesukristo sa
kaniyang mga alagad
0 comments:
Post a Comment