MIYERKOLES SANTO
Kasaysayan ng malupit na si Hudas
At, sapagka’t marami na
ang sumasampalataya
sumusunod sa kaniya,
at niwalan ngang halaga
kabagsikan ninyong sadya.
Kung kaniyang mauptan
ang tao sa buong bayan,
baka kayo ay alihan,
lupigin ang kabagsikan,
alisan ng katungkulan.
Kayo man nga ay tumanggi,
di na yata mangyayari,
lalo na kapag dumami
ang mahibuan ng sabi
ng dila niyang maliksi.
At yamang may panahon pa
mag-isip kayo ng iba,
inyong iparakip siya
nang hindi mapalamara
ang mga punong hustisya.
Na kung mangyayari lamang
bukas huwag nang maliban,
o kung dili kaya naman,
ay sa ikalawang araw
agad ninyong ipapatay.
Kayo’y huwag maghinagap
nitong aking pangungusap,
kahima’t ako’y alagad,
ngayo’y kusang umiilag
sa kaniyang gawang lahat.
At di ko minamaganda
ang ugali’t aral niya
ako’y tumatalikod na,
at nagsisising talaga,
ano’t ako’y nakasama?
Nang inyong paniwalaan
itong lahat kong tinuran
ay pangako kong matibay,
kayo’y aking sasamahan
kung huhulihin ang hunghang.
Ituturo ko sa inyo
ang pagdakip kung paano,
ang bahala nga ay ako,
nguni’t magkalutas tayo
dito sa usap na ito.
At kung inyong masunod na
ang nasa ninyo at pita
nang pagdakip sa kanya,
at magkano kaya baga
sa aki’y magiging upa?
Gayong wika’y nang matalos
niyong mga pariseos,
nangatuwa nang tibobos
ang malupit nilang loob
sa pangako nitong hayop.
At niyakap na si Hudas
ng pariseos, eskribas
sampung lilong si Cayfas,
tuwa nila’y dili hamak
at ang nasa’y matutupad.
Pinangakuang bibigyan,
tatlumpung salapi lamang,
kanilang pinagsulatan
yaong gawang kaliluhan,
at tuloy pinanumpaan.
Tuwang walang makapara
ni Hudas na palamara,
ang salapi nang makita
ay sinilid sa bulsa
at iningat-ingatan na.
Nanaog na kapagkuwan
ang alibughang matakaw
at nagtuloy na sa bahay,
loob at di mapalagay
at ang budhi’y salawahan.
Nagbabalobalo siya
kunwa’y wala siyang sala,
bago’y natatalastas na,
ni Hesus na Poong Ama
ang masama niyang pita.
Hindi nga naalaman
ng Apostoles na tanan
yaong mga kagagawan,
ni Hudas na tampalasan
na puno ng kasikiman.
Ang isip nilang totoo
kaya sa bayan tumungo
ay mamimili ang lilo
bago’y hindi’t ang Maestro
ang siyang ipinagduro.
Nang siya nga’y magpaalam
sa Birheng Inang timtiman,
ay kusa pang binilinan,
alami’t pakimatyagan
sa baya’y bulong-bulongan.
Isinagot pa ng lilo,
Oo po, Panginoon ko,
ang bahala na ay ako,
na magkalingang totoo
sa aking Poo’t Maestro.
O sukaba’t taong pusong
budhing parini’t paroon?
ano iyang naging tugon?
ay bago ang iyong layong
ipagduduro ang Poon.
Nang si Hudas magbalik na
tinanong kapagkadaraka
ng Poong Birheng Maria,
ano ang napansin baga’t
sa tao’y narinig niya.
Ang isinagot ng lilo:
matuwa na ang Poon ko;
Usapan ng mga tao
pawang puri sa Anak mo,
tuwa nila'y mago't mago.
Huwag ka na pong malumbay,
at ako'y napasa bayan
doon ko napakinggan
ang mga usap-usapan
niyong taong karamihan.
Ang lahat ay natutuwa, nagpupuring walang sawa
sa lahat niyang ginawa;
wala isa mang pumula
sa Maestro kong dakila.
Tumiwasay na ang budhi
loob nitong inang pili,
parati mang sunasanh,
nguni't hindi napapawi,
ang lubos niyang pighati.
Lalo na nanang mapagmasdan
ang malaking klaumbayan
ng apostoles na tanan;
puso niya'y nasasaktan
sa ganitong mga asal.
Pinahid na ni Maria
luha sa kaniyang mata,
pumasok kapagkaraka,
sa silind ng Anak niya,
lumbayay walang kapara.
Ito ang ipinagusap;
O panginoon ko at Anak,
minamahal ko sa lahat,
Puso ko ay naghihirap
sa aking napagmalas.
Ano baga, O bunso ko
ar hindi ka magkatuto
gayong niluhogluhog ko
magdalita ang Anal lo
Ang Ina mo'y tugunin mo.
Ang sino mang tao riyan,
taga malayo mang bayan,
kung ganitong Paskong araw,
ay umuuwi sa bahay,
dinadalaw ang magulang.
sa dulang ay magsasalo,
sapagka't araw ng Pasko;
saka ikaw na Anak ko
ay aalis iiwan mo
akong nag-iisa rito.
Paan ang Iyong ina,
kung ikaw ay di kasama;
ano ang ikasasaya
dumating man ang Paskua,
bunso kong dito'y wala pa.
Itong Iyong pagpipipilit
nang pagpanaw at pag-alis
siyang ikinahahapis.
halos na ngang ilkapunit
ang puso ko't aking dibdib.
Para kong naaninaw,
ang iyong daratning buhay,
diwa ito's katapusan,
at lulubog na kapagkuwan
ang maliwanag na araw.
Kaya ngayon ang hingi ko,
dalwang bagay sa iyo,
sundin man sana ako,
pahimakas ko na ito
O bunso, sa pag-alis mo.
Ang hingi kong una-una
sa bunso ko't aking sinta,
huwag kang lalayo muna,
at diot ka na magpaskua
bago magkahiwaly kita.
Ang kalawang hingi ko
na inoola sa Iyo
ako nama;y tapatin Mo,
ano ang nasa Iyo
niyong mga pariseo.
Nang kay Hesus na marinig
yaon wikang matatamis
niyong Inang hinahapis,
di nabata't di natiies,
sumagot siya't nagsulit.
Ina Ko, aniyang mahal
sa aking kaginhawahan,
sino pa po bagang bagay
ang sukat mong ikasuway
sa Poon na nalulumbay.
Ngayon po at naganap na
ang araw na aking pita
nang pagsakop ko sa sala,
simula na ito, Ina
ng di natin pagkikita.
Ganap na at walang kulang
panahon at takdang araw
ng Ama kong lubhang mahal,
sa pagsakop ko sa tanan
sa buong sangsinukuban.
Ina ko’y masusunod na
hula ng mga Propeta
sa Eskritura Sagrada,
hirap at madlang parusa
nang pagsakop ko sa sala.
Magdalita ang ina ko,
at ako nga’y tulutan mo
kay Ama’y sumonod ako,
di mangyayaring totoo
na di ako manaw dito.
Di na mangyaring iliban
ang pag-alis at pagpanaw
palibhasa ito’y halal,
ito’y pangakong matibay,
pagsakop sa kasalanan.
Mangyayari bang suwayin
utos ng Ama at bilin,
wala yatang daan mandin
nag tao’y di ko sakupin
sa sala’y pagkagupiling.
Datapuwa Inang mahal
na aking kinalulugdan,
kahima’t ako’y mamatay,
sa loob ng tatlong araw
ako’y muling mabubuhay.
Ito’y siyang pangako ko,
siyang tipan ko sa iyo,
walang pagsalang totoo,
kaya ako’y tulutan mo
nitong pagpanaw na ito.
Aba Ina kong mapalad,
bukod sa babaing lahat,
para ko nang pahimakas,
sa aking pagpanaw bukas
yakap yaring iyong Anak.
Wika na kalumbay-lumbay
sagot na ikamamatay!
daig ang mabisang punyal,
na ikikitil ng buhay
ng sino mang nasasaktan.
Nang marinig ni Maria
ang gayon ngang parirala
dibdib ay kumaba-kaba
nalunos na kapagdaka
halos manaw ang hininga.
Kung danga’y kinakasihan
ng Diyos sa kalangitan
ang sa Inang Birheng buhay,
halos nga maalis at manao
ang hininga sa katawan.
Nang mauli na ang loob
nitong Inang nalulunos
sa silid agad pumasok,
nanalangin at lumuhod
sa kaniyang Amang Diyos.
Sa langit ay tumingala
ang mata ay lumuluha,
ito at siyang winika;
O Diyos Amang dakila
Hari sa Langit at Lupa!
Ano nga’t bakit Poon ko
pinalalo sa Anak Mo
ang mga hamak na tao?
at mahal mo pang totoo
sa gayong sala sa iyo?
Ang dapat mong pahirapan
dahilan sa kasalanan
siyang ipagtatangkakal;
at ang anak Mo ring tunay
ang iyong ipapapatay.
Kung baga, Diyos kong Ama
sa tao ay naawa ka
patawaring Mo na sila
huwag mong ipapatay na
ang Anak kong sinisinta.
Yamang ganap na totoo
kapangyarihan Mong ito:
di man, mamatay Diyos ko,
mangyayari kung loob Mo
sakupin ang madlang tao.
Batid mo na’t naalaman
ang lahat kong kahirapan
dinalang siyam na buwan,
sa tiyan ko ay namahay,
ito’y siyang kalooban.
Lalong hirap na totoo
nang kami’y paalisin mo,
naparoon sa Egipto,
pagod na di mamagkano
nang pagkalong sa Anak Mo.
Ano pa’t Diyos kong Ama,
madla ang aking balisa,
hapis na walang kapara
nang lumaki na nga siya,
at mangaral sa lahat na.
Kaya Amang maawain,
siya’y iyong patawarin
at ako nama’y gayon din;
huwag Mo na pong kunin
ang Anak kong ginigiliw.
At kung siya at mamatay
pilit akong mararamay
dito nga’y ang kahirapan
sa puso ko’y mamamahay
kung ang anak ko’y matingnan.
Di pa ba sukat, Poon ko
ang kanyang pagaayuno,
paghahampas sa disierto,
maging tubos na totoo
sa sala ng madlang tao.
Ako na ang pagbuntunan
ng lahat Mong kagalitan;
ako na’y siyang mamatay,
lalo ko pang katuwaan
siya lamang ay mabuhay.
Itong hiling kong talaga
at sa iyo’y inoola
Diyos ko magdalita ka
itulot Mo na nga sana
nang ako’y matiwasay na.
Marami pa’t madlang bagay
ang sa Birheng karaingan;
agad siyang pinakinggan
at sinagot kapagkuwan
ng Diyos sa kalangitan.
Narinig ko nang magaling,
Maria, ang iyong daing;
di ko mangyaring tanggapin
na ikaw’y aking sagutin,
ang anak ay timawain.
Hindi niya mababata
na makitang maghirap ka
lalo pa ngang sakit niya;
kaya ang lalong maganda
ay ang siya ay magdusa.
Maria’y di ko matanggap
iyang iyong pakiusap
hindi na nga malilinsad
ang anak mo’y maghihirap
dahil sa sala ng lahat.
Siya ang katampatan
ng maghirap at mamatay
sapagkat siya nga lamang,
ang umako at humadlang
sa sala ng sangtinakpan.
Dili iba’t ang anak mo
magbabawa ng poot ko
sa mga hunghang na tao;
siyang lunas na totoo
sa sala ng buong mundo.
Maria, ang iyong tularan
sakripisyo ni Abraham
sa pagsunod niya lamang
sa hiling ko’t kalooban,
si Isaac, pinugutan.
Ito naman ang hiling ko
at aking loob sa iyo:
nang matimawa ang tao,
ay nagtiis kang totoo
at magdusa’y ang anak mo.
Nang matanto at mabatid
ng Inang Birheng may hapis
na yao’y loob ng Langit,
munti ma’y di na umiimik
nagbata na nga’t nagtiis.
Mahapdi mang walang hangga
mapait man at mapakla,
gayong hirap ay binata,
ng Poong Birheng Maria
pagsunod Diyos Ama.
A R A L
O taong walang balisa,
wala ngani mang alaala,
ang iniibig mo tuwi na,
sumuway at magkasala
sa Diyos na Poong Ama.
Lubos na tinutularan
kay Hudas na kagagawan
dilang katampalasanan,
at isip na mahahalay
ang nasa iyong katawan.
Dunong na magwika-wika
humibo’t magdaya-daya
lubhang mananalong dila,
mataas magmanukala
palalong walang kamukha.
At kung di mo babawahan
gayong katampalasanan,
tantong kahina-hinayang
ang kaluluwa mong iyan
sa impierno’y gagtungan.
Tingni ang lilong si Hudas
apostol na walang-palad
sa kasakiman sa pilak,
ang kaluluwa’y nasadlak
sa balong puno ng hirap.
Marami pa at makapal
sa sulat napapalaman
dahilan sa kayamanan,
sa impierno’y gagatungan
ang budhing mga sukaban.
Kay sino ka ma’t akin
Kristianong nagugupiling,
iyong isiping magaling,
at ngayon mo saliksikin
ang lahat mong gawang lihim.
Nang doon mo mausisa
ang iyong pagkamasama,
kung mahabag ka’t naawa,
sa taong iyong kapuwa
sa may hirap at dalita.
Kung magaling ang gawa mo
daming pupuri sa iyo;
ang palalong walang too,
api saan mang patungo,
sa hirap nananagano.
Gayong hirap ay magbawa
sa puso mo’t kaluluwa
magkusa kang pakalara
at manalangin tuwi na
sa Poong Birhen Maria.
Ang ano mang kahirapan,
sakit na iyong karatnan,
pawa mong pasalamatan
ay yaon ay kalooban
ng Diyos sa kalangitan.
Huwag ipagdalang galit,
ano mang hirap at sakit;
kung mabata at matiis,
tantong hindi malilihis
gagantihan ka ng langit.
Kasaysayan ng malupit na si Hudas
At, sapagka’t marami na
ang sumasampalataya
sumusunod sa kaniya,
at niwalan ngang halaga
kabagsikan ninyong sadya.
Kung kaniyang mauptan
ang tao sa buong bayan,
baka kayo ay alihan,
lupigin ang kabagsikan,
alisan ng katungkulan.
Kayo man nga ay tumanggi,
di na yata mangyayari,
lalo na kapag dumami
ang mahibuan ng sabi
ng dila niyang maliksi.
At yamang may panahon pa
mag-isip kayo ng iba,
inyong iparakip siya
nang hindi mapalamara
ang mga punong hustisya.
Na kung mangyayari lamang
bukas huwag nang maliban,
o kung dili kaya naman,
ay sa ikalawang araw
agad ninyong ipapatay.
Kayo’y huwag maghinagap
nitong aking pangungusap,
kahima’t ako’y alagad,
ngayo’y kusang umiilag
sa kaniyang gawang lahat.
At di ko minamaganda
ang ugali’t aral niya
ako’y tumatalikod na,
at nagsisising talaga,
ano’t ako’y nakasama?
Nang inyong paniwalaan
itong lahat kong tinuran
ay pangako kong matibay,
kayo’y aking sasamahan
kung huhulihin ang hunghang.
Ituturo ko sa inyo
ang pagdakip kung paano,
ang bahala nga ay ako,
nguni’t magkalutas tayo
dito sa usap na ito.
At kung inyong masunod na
ang nasa ninyo at pita
nang pagdakip sa kanya,
at magkano kaya baga
sa aki’y magiging upa?
Gayong wika’y nang matalos
niyong mga pariseos,
nangatuwa nang tibobos
ang malupit nilang loob
sa pangako nitong hayop.
At niyakap na si Hudas
ng pariseos, eskribas
sampung lilong si Cayfas,
tuwa nila’y dili hamak
at ang nasa’y matutupad.
Pinangakuang bibigyan,
tatlumpung salapi lamang,
kanilang pinagsulatan
yaong gawang kaliluhan,
at tuloy pinanumpaan.
Tuwang walang makapara
ni Hudas na palamara,
ang salapi nang makita
ay sinilid sa bulsa
at iningat-ingatan na.
Nanaog na kapagkuwan
ang alibughang matakaw
at nagtuloy na sa bahay,
loob at di mapalagay
at ang budhi’y salawahan.
Nagbabalobalo siya
kunwa’y wala siyang sala,
bago’y natatalastas na,
ni Hesus na Poong Ama
ang masama niyang pita.
Hindi nga naalaman
ng Apostoles na tanan
yaong mga kagagawan,
ni Hudas na tampalasan
na puno ng kasikiman.
Ang isip nilang totoo
kaya sa bayan tumungo
ay mamimili ang lilo
bago’y hindi’t ang Maestro
ang siyang ipinagduro.
Nang siya nga’y magpaalam
sa Birheng Inang timtiman,
ay kusa pang binilinan,
alami’t pakimatyagan
sa baya’y bulong-bulongan.
Isinagot pa ng lilo,
Oo po, Panginoon ko,
ang bahala na ay ako,
na magkalingang totoo
sa aking Poo’t Maestro.
O sukaba’t taong pusong
budhing parini’t paroon?
ano iyang naging tugon?
ay bago ang iyong layong
ipagduduro ang Poon.
Nang si Hudas magbalik na
tinanong kapagkadaraka
ng Poong Birheng Maria,
ano ang napansin baga’t
sa tao’y narinig niya.
Ang isinagot ng lilo:
matuwa na ang Poon ko;
Usapan ng mga tao
pawang puri sa Anak mo,
tuwa nila'y mago't mago.
Huwag ka na pong malumbay,
at ako'y napasa bayan
doon ko napakinggan
ang mga usap-usapan
niyong taong karamihan.
Ang lahat ay natutuwa, nagpupuring walang sawa
sa lahat niyang ginawa;
wala isa mang pumula
sa Maestro kong dakila.
Tumiwasay na ang budhi
loob nitong inang pili,
parati mang sunasanh,
nguni't hindi napapawi,
ang lubos niyang pighati.
Lalo na nanang mapagmasdan
ang malaking klaumbayan
ng apostoles na tanan;
puso niya'y nasasaktan
sa ganitong mga asal.
Pinahid na ni Maria
luha sa kaniyang mata,
pumasok kapagkaraka,
sa silind ng Anak niya,
lumbayay walang kapara.
Ito ang ipinagusap;
O panginoon ko at Anak,
minamahal ko sa lahat,
Puso ko ay naghihirap
sa aking napagmalas.
Ano baga, O bunso ko
ar hindi ka magkatuto
gayong niluhogluhog ko
magdalita ang Anal lo
Ang Ina mo'y tugunin mo.
Ang sino mang tao riyan,
taga malayo mang bayan,
kung ganitong Paskong araw,
ay umuuwi sa bahay,
dinadalaw ang magulang.
sa dulang ay magsasalo,
sapagka't araw ng Pasko;
saka ikaw na Anak ko
ay aalis iiwan mo
akong nag-iisa rito.
Paan ang Iyong ina,
kung ikaw ay di kasama;
ano ang ikasasaya
dumating man ang Paskua,
bunso kong dito'y wala pa.
Itong Iyong pagpipipilit
nang pagpanaw at pag-alis
siyang ikinahahapis.
halos na ngang ilkapunit
ang puso ko't aking dibdib.
Para kong naaninaw,
ang iyong daratning buhay,
diwa ito's katapusan,
at lulubog na kapagkuwan
ang maliwanag na araw.
Kaya ngayon ang hingi ko,
dalwang bagay sa iyo,
sundin man sana ako,
pahimakas ko na ito
O bunso, sa pag-alis mo.
Ang hingi kong una-una
sa bunso ko't aking sinta,
huwag kang lalayo muna,
at diot ka na magpaskua
bago magkahiwaly kita.
Ang kalawang hingi ko
na inoola sa Iyo
ako nama;y tapatin Mo,
ano ang nasa Iyo
niyong mga pariseo.
Nang kay Hesus na marinig
yaon wikang matatamis
niyong Inang hinahapis,
di nabata't di natiies,
sumagot siya't nagsulit.
Ina Ko, aniyang mahal
sa aking kaginhawahan,
sino pa po bagang bagay
ang sukat mong ikasuway
sa Poon na nalulumbay.
Ngayon po at naganap na
ang araw na aking pita
nang pagsakop ko sa sala,
simula na ito, Ina
ng di natin pagkikita.
Ganap na at walang kulang
panahon at takdang araw
ng Ama kong lubhang mahal,
sa pagsakop ko sa tanan
sa buong sangsinukuban.
Ina ko’y masusunod na
hula ng mga Propeta
sa Eskritura Sagrada,
hirap at madlang parusa
nang pagsakop ko sa sala.
Magdalita ang ina ko,
at ako nga’y tulutan mo
kay Ama’y sumonod ako,
di mangyayaring totoo
na di ako manaw dito.
Di na mangyaring iliban
ang pag-alis at pagpanaw
palibhasa ito’y halal,
ito’y pangakong matibay,
pagsakop sa kasalanan.
Mangyayari bang suwayin
utos ng Ama at bilin,
wala yatang daan mandin
nag tao’y di ko sakupin
sa sala’y pagkagupiling.
Datapuwa Inang mahal
na aking kinalulugdan,
kahima’t ako’y mamatay,
sa loob ng tatlong araw
ako’y muling mabubuhay.
Ito’y siyang pangako ko,
siyang tipan ko sa iyo,
walang pagsalang totoo,
kaya ako’y tulutan mo
nitong pagpanaw na ito.
Aba Ina kong mapalad,
bukod sa babaing lahat,
para ko nang pahimakas,
sa aking pagpanaw bukas
yakap yaring iyong Anak.
Wika na kalumbay-lumbay
sagot na ikamamatay!
daig ang mabisang punyal,
na ikikitil ng buhay
ng sino mang nasasaktan.
Nang marinig ni Maria
ang gayon ngang parirala
dibdib ay kumaba-kaba
nalunos na kapagdaka
halos manaw ang hininga.
Kung danga’y kinakasihan
ng Diyos sa kalangitan
ang sa Inang Birheng buhay,
halos nga maalis at manao
ang hininga sa katawan.
Nang mauli na ang loob
nitong Inang nalulunos
sa silid agad pumasok,
nanalangin at lumuhod
sa kaniyang Amang Diyos.
Sa langit ay tumingala
ang mata ay lumuluha,
ito at siyang winika;
O Diyos Amang dakila
Hari sa Langit at Lupa!
Ano nga’t bakit Poon ko
pinalalo sa Anak Mo
ang mga hamak na tao?
at mahal mo pang totoo
sa gayong sala sa iyo?
Ang dapat mong pahirapan
dahilan sa kasalanan
siyang ipagtatangkakal;
at ang anak Mo ring tunay
ang iyong ipapapatay.
Kung baga, Diyos kong Ama
sa tao ay naawa ka
patawaring Mo na sila
huwag mong ipapatay na
ang Anak kong sinisinta.
Yamang ganap na totoo
kapangyarihan Mong ito:
di man, mamatay Diyos ko,
mangyayari kung loob Mo
sakupin ang madlang tao.
Batid mo na’t naalaman
ang lahat kong kahirapan
dinalang siyam na buwan,
sa tiyan ko ay namahay,
ito’y siyang kalooban.
Lalong hirap na totoo
nang kami’y paalisin mo,
naparoon sa Egipto,
pagod na di mamagkano
nang pagkalong sa Anak Mo.
Ano pa’t Diyos kong Ama,
madla ang aking balisa,
hapis na walang kapara
nang lumaki na nga siya,
at mangaral sa lahat na.
Kaya Amang maawain,
siya’y iyong patawarin
at ako nama’y gayon din;
huwag Mo na pong kunin
ang Anak kong ginigiliw.
At kung siya at mamatay
pilit akong mararamay
dito nga’y ang kahirapan
sa puso ko’y mamamahay
kung ang anak ko’y matingnan.
Di pa ba sukat, Poon ko
ang kanyang pagaayuno,
paghahampas sa disierto,
maging tubos na totoo
sa sala ng madlang tao.
Ako na ang pagbuntunan
ng lahat Mong kagalitan;
ako na’y siyang mamatay,
lalo ko pang katuwaan
siya lamang ay mabuhay.
Itong hiling kong talaga
at sa iyo’y inoola
Diyos ko magdalita ka
itulot Mo na nga sana
nang ako’y matiwasay na.
Marami pa’t madlang bagay
ang sa Birheng karaingan;
agad siyang pinakinggan
at sinagot kapagkuwan
ng Diyos sa kalangitan.
Narinig ko nang magaling,
Maria, ang iyong daing;
di ko mangyaring tanggapin
na ikaw’y aking sagutin,
ang anak ay timawain.
Hindi niya mababata
na makitang maghirap ka
lalo pa ngang sakit niya;
kaya ang lalong maganda
ay ang siya ay magdusa.
Maria’y di ko matanggap
iyang iyong pakiusap
hindi na nga malilinsad
ang anak mo’y maghihirap
dahil sa sala ng lahat.
Siya ang katampatan
ng maghirap at mamatay
sapagkat siya nga lamang,
ang umako at humadlang
sa sala ng sangtinakpan.
Dili iba’t ang anak mo
magbabawa ng poot ko
sa mga hunghang na tao;
siyang lunas na totoo
sa sala ng buong mundo.
Maria, ang iyong tularan
sakripisyo ni Abraham
sa pagsunod niya lamang
sa hiling ko’t kalooban,
si Isaac, pinugutan.
Ito naman ang hiling ko
at aking loob sa iyo:
nang matimawa ang tao,
ay nagtiis kang totoo
at magdusa’y ang anak mo.
Nang matanto at mabatid
ng Inang Birheng may hapis
na yao’y loob ng Langit,
munti ma’y di na umiimik
nagbata na nga’t nagtiis.
Mahapdi mang walang hangga
mapait man at mapakla,
gayong hirap ay binata,
ng Poong Birheng Maria
pagsunod Diyos Ama.
A R A L
O taong walang balisa,
wala ngani mang alaala,
ang iniibig mo tuwi na,
sumuway at magkasala
sa Diyos na Poong Ama.
Lubos na tinutularan
kay Hudas na kagagawan
dilang katampalasanan,
at isip na mahahalay
ang nasa iyong katawan.
Dunong na magwika-wika
humibo’t magdaya-daya
lubhang mananalong dila,
mataas magmanukala
palalong walang kamukha.
At kung di mo babawahan
gayong katampalasanan,
tantong kahina-hinayang
ang kaluluwa mong iyan
sa impierno’y gagtungan.
Tingni ang lilong si Hudas
apostol na walang-palad
sa kasakiman sa pilak,
ang kaluluwa’y nasadlak
sa balong puno ng hirap.
Marami pa at makapal
sa sulat napapalaman
dahilan sa kayamanan,
sa impierno’y gagatungan
ang budhing mga sukaban.
Kay sino ka ma’t akin
Kristianong nagugupiling,
iyong isiping magaling,
at ngayon mo saliksikin
ang lahat mong gawang lihim.
Nang doon mo mausisa
ang iyong pagkamasama,
kung mahabag ka’t naawa,
sa taong iyong kapuwa
sa may hirap at dalita.
Kung magaling ang gawa mo
daming pupuri sa iyo;
ang palalong walang too,
api saan mang patungo,
sa hirap nananagano.
Gayong hirap ay magbawa
sa puso mo’t kaluluwa
magkusa kang pakalara
at manalangin tuwi na
sa Poong Birhen Maria.
Ang ano mang kahirapan,
sakit na iyong karatnan,
pawa mong pasalamatan
ay yaon ay kalooban
ng Diyos sa kalangitan.
Huwag ipagdalang galit,
ano mang hirap at sakit;
kung mabata at matiis,
tantong hindi malilihis
gagantihan ka ng langit.
0 comments:
Post a Comment