Pagdalaw ng Tatlong Haring Magos
Ng maganap na't mahusto
araw na tanging totoo
ng panganganak sa Berbo,
siyang pagdalaw na rito
nitong tatlong Haring Mago.
Ang wika't sabi sa sulat,
ng isang propetang hayag,
kung dumating ang Mesias,
sa silanga'y sisikat
isang astrong maliwanag.
Hulang ito'y di man alam
niyong tatlong haring mahal,
ang sa gabi at araw,
na astronomia ang tangan
nakita nila ang pagsilang.
Niyong gabing ipanganak,
ang Poong Haring Mesias
siya ngang pagkamalas,
niyong tatlong mapapalad
sa bituing bagong sikat.
Pagkasilay na nga nila,
niyong himalang nakita,
nagsigayak kapagdaka,
magsisidalaw ang tika
key Hesus na Poong Ama.
Yaong tatlong Haring mahal
ang tunay nilang pangala'y
Melchor, Gaspar, at Baltazar;
malayong di ano lamang
ang kanilang kaharian.
Na ang bayan baga nila,
Persia, Arabia at Saba,
silangan nang Palestina,
lupang kaligaligaya
sakdal ng tuwa at saya.
Sila'y di nagkakaalam,
ng kanilang paglalakbay,
at kaya nagbati lamang,
ng magtago na sa raan
dahil sa talang sinundan.
Tulin ay di mamagkano
ng hayop na dromedario,
siyang sinakyang totoo,
niyong tatlong haring mago
sa paglalakbay na ito.
Sa kanilang paglalakad
sa parang at mga gubat
sa bundok na matataas,
pumapatnugot na hayag
yaong bituing masikat.
Nang kanilag matapatan
ang Jerusalem na bayan
ay nawala kapag kuwan
ang bituing sinusundan
patnugot nila sa raan.
Nagdilim ang kabundukan
at nangaligaw sa raan
ang tatlong Haring marangal,
bayan ngang napatunguhan
kay Herodes na sukaban.
Nang sila na’y mapalapit
sa kaharian ni Herodes,
nakita nila’t nasapit
ang kabulusang matuwid
daan tungong Nazareth.
Nang sila’y mapalapit na
nagsangusapang talaga
ang tatlong Haring masigla,
na si Herodes nga baga,
daanana at ipagsama.
Sagot ng Haring Baltazar:
oo't siyang katuwiran
parang pagbibigay-galang,
kung sasama o dili man,
at nang ating maalaman.
Ano ay ng malapit na
sa bayan'y papasok na
tumaha't nagsugo muna,
ang pinaka embahada
kung mangyaring tumuloy na.
Ang kay Herodes na sagot
sa mga haring nag-utos
magpatuloy silang nasok,
nang matanto nga't matalos
ang sadya nilang tibobos.
Sa baya'y nasok nga agad,
nagtingin sila't nagmalas,
itinanong sa lahat,
kung saan ipinanganak
yaong mahal na Mesias.
Ano'y sa matanto ito
ni Herodes, Haring lilo
pinapanhik sa palasio,
ang mahal na haring tatlo
at tinanong ng ganito:
Aniya ay pasasaan
ang mga haring marangal?
ibig ko nga maalaman,
at sa aki'y dagling turan
ang inyong sadya at pakay.
Ang sagot naman ng tatlo
kaya kami'y naparito
magsisisambang totoo,
sa inianak na bago
ng Haring tunay ng hudyo.
Ang mahal na tala baga,
tandang ipinanganak na,
sa aming baya'y nakita,
kaya Hari'y turan sana,
kung saan naroon Siya.
Sugong yao'y nang mabatid
ng Haring lilong Herodes
puso't loob ay natulig,
agad sumukal ang dibdib
dahil sa wikang narinig.
Agad nang ipinatawag
ang mga doktos at pantas
at kaniyang siniyasat
kung saan ipinanganak
ang pariritong Mesias.
Wika't sagot sa kaniya
ng tanang mga bihasa
sa Belen po't walang iba,
tanda ng mga propeta
sapagka't tribu ni Juda.
Nang matalastas ng lilo
ang mga sagot na ito
nangusap nang panibago;
aniya'y mga ginoo
mabuti't narinig ninyo.
Na ang inyong hinahanap
sa Belen ipinanganak
siyang tunay na pahayag
ng propetang si Miqueas
doon kayo magsitambad.
At kung inyong masundan
ako'y agad pagbalikan
ako'y paroroon naman,
samsambahi't igagalang
Mesias na bagong litaw.
Ako naman ay dadalaw
paroroo't maglalakbay
sampung aking mga kawal,
paa niya ay hahagkan
sapagka't Haring marangal.
Nagpaalam na't nanaog
yaong mga haring magos
tuwa'y di matapos-tapos,
muli na namang sumipot
ang talang pumapatnugot.
Nang sila nga ay dumating
doon sa portal na Belen
ang sinusundang bituin,
kapagkaraka'y tumigil
lalong dumikit ang ningning.
Nagsiibis at nanaog
sa kanikanilang hayop
sa portal ay nagsipasok,
doon nila napanood
ang mahal na Ninio Hesus.
Sapagka't Haring Supremo
nitong buong Universo
lumuhod sumamba rito,
paa'y hinagkang totoo
niyong mga haring mago.
At hinandugan pagdaka
ginto, insienso at mira
ang setro nila't korona,
inialay na sa paa
ni Hesus na Poong Ama.
Kaya ginto yaong alay
ng bunying Haring Baltazar
ay sapagka't Haring tunay,
may-ari at nagtatangan
ng ginro at santinakpan.
Hain naman ay insienso
ng Haring Gaspar sa Berbo
pagkat' Diyos na totoo,
maawai't masaklolo
sa nananalangin tao.
Kaya mapait na mira
alay ni Melchor at dala
pagka't taong tunay Siya
sasakop at kakalara
sa sansinukubang sala.
Makaraang ilang araw
yaong kanilang pagdalaw
kay Hesus haring marangal,
agad silang nagpaalam
sa mag-asawang timtiman.
Nang aalis na't papanaw
ang mga Haring marangal
sa pagtulog ng mahusay,
sila ay pinagsabihan
ng isang anghel na mahal.
Anang anghel sa kanila
kung kayo ay uuwi na
at aalis na talaga,
ay huwag nang pakita
sa sukab at palamara.
Ng maganap na't mahusto
araw na tanging totoo
ng panganganak sa Berbo,
siyang pagdalaw na rito
nitong tatlong Haring Mago.
Ang wika't sabi sa sulat,
ng isang propetang hayag,
kung dumating ang Mesias,
sa silanga'y sisikat
isang astrong maliwanag.
Hulang ito'y di man alam
niyong tatlong haring mahal,
ang sa gabi at araw,
na astronomia ang tangan
nakita nila ang pagsilang.
Niyong gabing ipanganak,
ang Poong Haring Mesias
siya ngang pagkamalas,
niyong tatlong mapapalad
sa bituing bagong sikat.
Pagkasilay na nga nila,
niyong himalang nakita,
nagsigayak kapagdaka,
magsisidalaw ang tika
key Hesus na Poong Ama.
Yaong tatlong Haring mahal
ang tunay nilang pangala'y
Melchor, Gaspar, at Baltazar;
malayong di ano lamang
ang kanilang kaharian.
Na ang bayan baga nila,
Persia, Arabia at Saba,
silangan nang Palestina,
lupang kaligaligaya
sakdal ng tuwa at saya.
Sila'y di nagkakaalam,
ng kanilang paglalakbay,
at kaya nagbati lamang,
ng magtago na sa raan
dahil sa talang sinundan.
Tulin ay di mamagkano
ng hayop na dromedario,
siyang sinakyang totoo,
niyong tatlong haring mago
sa paglalakbay na ito.
Sa kanilang paglalakad
sa parang at mga gubat
sa bundok na matataas,
pumapatnugot na hayag
yaong bituing masikat.
Nang kanilag matapatan
ang Jerusalem na bayan
ay nawala kapag kuwan
ang bituing sinusundan
patnugot nila sa raan.
Nagdilim ang kabundukan
at nangaligaw sa raan
ang tatlong Haring marangal,
bayan ngang napatunguhan
kay Herodes na sukaban.
Nang sila na’y mapalapit
sa kaharian ni Herodes,
nakita nila’t nasapit
ang kabulusang matuwid
daan tungong Nazareth.
Nang sila’y mapalapit na
nagsangusapang talaga
ang tatlong Haring masigla,
na si Herodes nga baga,
daanana at ipagsama.
Sagot ng Haring Baltazar:
oo't siyang katuwiran
parang pagbibigay-galang,
kung sasama o dili man,
at nang ating maalaman.
Ano ay ng malapit na
sa bayan'y papasok na
tumaha't nagsugo muna,
ang pinaka embahada
kung mangyaring tumuloy na.
Ang kay Herodes na sagot
sa mga haring nag-utos
magpatuloy silang nasok,
nang matanto nga't matalos
ang sadya nilang tibobos.
Sa baya'y nasok nga agad,
nagtingin sila't nagmalas,
itinanong sa lahat,
kung saan ipinanganak
yaong mahal na Mesias.
Ano'y sa matanto ito
ni Herodes, Haring lilo
pinapanhik sa palasio,
ang mahal na haring tatlo
at tinanong ng ganito:
Aniya ay pasasaan
ang mga haring marangal?
ibig ko nga maalaman,
at sa aki'y dagling turan
ang inyong sadya at pakay.
Ang sagot naman ng tatlo
kaya kami'y naparito
magsisisambang totoo,
sa inianak na bago
ng Haring tunay ng hudyo.
Ang mahal na tala baga,
tandang ipinanganak na,
sa aming baya'y nakita,
kaya Hari'y turan sana,
kung saan naroon Siya.
Sugong yao'y nang mabatid
ng Haring lilong Herodes
puso't loob ay natulig,
agad sumukal ang dibdib
dahil sa wikang narinig.
Agad nang ipinatawag
ang mga doktos at pantas
at kaniyang siniyasat
kung saan ipinanganak
ang pariritong Mesias.
Wika't sagot sa kaniya
ng tanang mga bihasa
sa Belen po't walang iba,
tanda ng mga propeta
sapagka't tribu ni Juda.
Nang matalastas ng lilo
ang mga sagot na ito
nangusap nang panibago;
aniya'y mga ginoo
mabuti't narinig ninyo.
Na ang inyong hinahanap
sa Belen ipinanganak
siyang tunay na pahayag
ng propetang si Miqueas
doon kayo magsitambad.
At kung inyong masundan
ako'y agad pagbalikan
ako'y paroroon naman,
samsambahi't igagalang
Mesias na bagong litaw.
Ako naman ay dadalaw
paroroo't maglalakbay
sampung aking mga kawal,
paa niya ay hahagkan
sapagka't Haring marangal.
Nagpaalam na't nanaog
yaong mga haring magos
tuwa'y di matapos-tapos,
muli na namang sumipot
ang talang pumapatnugot.
Nang sila nga ay dumating
doon sa portal na Belen
ang sinusundang bituin,
kapagkaraka'y tumigil
lalong dumikit ang ningning.
Nagsiibis at nanaog
sa kanikanilang hayop
sa portal ay nagsipasok,
doon nila napanood
ang mahal na Ninio Hesus.
Sapagka't Haring Supremo
nitong buong Universo
lumuhod sumamba rito,
paa'y hinagkang totoo
niyong mga haring mago.
At hinandugan pagdaka
ginto, insienso at mira
ang setro nila't korona,
inialay na sa paa
ni Hesus na Poong Ama.
Kaya ginto yaong alay
ng bunying Haring Baltazar
ay sapagka't Haring tunay,
may-ari at nagtatangan
ng ginro at santinakpan.
Hain naman ay insienso
ng Haring Gaspar sa Berbo
pagkat' Diyos na totoo,
maawai't masaklolo
sa nananalangin tao.
Kaya mapait na mira
alay ni Melchor at dala
pagka't taong tunay Siya
sasakop at kakalara
sa sansinukubang sala.
Makaraang ilang araw
yaong kanilang pagdalaw
kay Hesus haring marangal,
agad silang nagpaalam
sa mag-asawang timtiman.
Nang aalis na't papanaw
ang mga Haring marangal
sa pagtulog ng mahusay,
sila ay pinagsabihan
ng isang anghel na mahal.
Anang anghel sa kanila
kung kayo ay uuwi na
at aalis na talaga,
ay huwag nang pakita
sa sukab at palamara.
0 comments:
Post a Comment