Huwebes Santo -
Ang Pananalangin ni
Hesukristong Panginoon natin
sa Werto ng Hetsemani
Kaya Kristiano’y magbawa
nang iyong pagkakasala,
maawa ka nang talaga,
at iyong ikabalisa
ang aba mong kaluluwa.
At kung di ka gumanito,
hunghang, malupit na tao
ano ang masasapit mo
kung hirap sa impierno,
ang siya mong matatamo.
Nang maganap na’t matapos
yaong paghapong tibobos,
ay itong Poong si Hesus
sampung mga disipulos,
nagpasalamat sa Diyos.
Sa Senakulo’y nalis na
si Hesus pati kasama
pawang may lumbay na dala
at ang pinaroonan nila,
kabundukan ng Oliba.
Sa haba nilang paglalakad,
ang apostoles na lahat,
inaliw ng Diyos Anak
at nang hindi nga masindak
ang kaniyang mga liyag.
O mga apostoles ko,
pili kong mga katoto
at ngayon ding gabing ito,
walang pagsalang totoo,
ako’y papanawan ninyo.
Kayo rin nga ay iilag,
magpapabaya’t duruwag
loob ninyo’y maiilap,
malilimutang di hamak
itong ating paghaharap.
Di sasala’t di lilihis
mga hulang itinitik
ng propetang mababait,
Percutiam pastorem et
Dispergentur oves gregis.
Na ang kanilang tinuran
ang Pastor ay susugatan,
agad namang mabubugaw,
ang obehang mga kawal,
walang di ka lalayasan.
Tantong hindi mag-iiba
hula ng mga propeta
na nasa sulat Sagrada
sapagkat wikang lahat na
ng Poon ko’t aking Ama.
Nang marinig ni San Pedro
yaong winika ni Kristo
di nakabatang totoo
loob ay sumikdu-sikdo
at nangusap ng ganito:
Et si omnes scandalizati
Fuerint inte, ego nunquam
Scandalizabor.
Maestro, aniyang mahal
silang lahat ma’y pumanaw,
at ikaw ay pabayaan
ako ang siyang daramay
kita’y di hihiwalayan.
Maniwala ang Poon ko
nitong pangako kong ito,
walang pagsalang totoo
di ako manaw sa iyo,
sa Diyos, Haring totoo.
Ani Hesus na maalam:
oya Pedro’y kararahan
isip ang wika mong iyan,
ang mabuyo ay mahalay
baka masinungalingan.
Si San Pedro’y sumagot pa
ng ganitong parirala:
Panginoon ko, aniya,
tunay di maniwala ka,
tantong ako’y magdurusa.
Pinasiya na ni Hesus
kay San Pedro ng pagsagot
ay bago nga magtilaok
sa hating-gabi ang manok
pilit nganing masusunod.
Walang pagsalang totoo
ako’y itatatuwa mo,
di miminsa’t makaitlo,
isa pang sasabihin mo’y
di nakikilala ako.
Sa pangungusap na yaon
ni Hesus na Panginoon,
lumakad silang nagtuloy,
at tumawid naman doon
torrenteng batis ng Sedron.
Yaong batis ng torrente
ng Sedrong dito’y nasabi
umaagos na parati,
tubig na batis na yari
sa libis ng libete.
Nang makatawid na naman
si Hesus at mga kawal
ay sa isang halamanan
Hethsemani ang pangalan,
doon sila nagsitahan.
Doo’y ang Poong si Kristo
nangusap sa disipulo:
kayo, aniya’y dumito,
at mananalangin ako
sa Diyos, Haring totoo.
Tatlo ang ipinagsama
na siyang pinili niya,
si Pedro ang una-una,
si Diego ang ikalawa
at si Huan Ebanghelista.
Pumasok at nagtuluyan
sa loob ng halamanan,
wertong pananalangin,
doon nga’y naggunamgunam
tigib kadalamhatian.
Ay ano’y nang malayo na
sa ibang mga kasama,
sa tatlo’y ang ibinadya
Tristis est anima mea
Usque ad mortem aniya.
Kaluluwa ko’y may lumbay
dahilan sa pagkamatay
dito kayo ay maghintay
kaya mga kaulayaw,
at manalanging mataman.
Vigilate ay ang turing
kayo ay magpakagising,
et orate, manalangin,
ut non, ay karugtong din
intertis in tentationem.
Kayo’y nang huwag pasukan
ng tukso’t dilang kasamaan
na kinaliligaligan,
kaya nga’t ang katampatan
ay manalanging mataman.
Nang maipangusap yaon
Si possible est, ang sabi
lumayo at naparoon
sa di maabot ng pukol,
lumuhod at nag-orasyon.
Aniya at Pater mi
Si impossible est, ang sabi,
Ama kong makalawingi
ng kung baga mangyayari
Transeat a me Calix iste.
Ama ko, kung kalooban,
mangyaring iyong iliban
at huwag kong mainuman,
ang kalis ng kapaitan
na darating sa ktawan.
Datapuwa nga anakin,
ito man ay aking hiling,
ang loob ko’y di ko sundin,
kundi ang iyong loob din
siya kong tatalimahin.
Yaring aking kaluluwa
nahahanda sa lahat na
anong gagawin ko, Ama,
ang katawan ay balisa,
siyang tantong nangangamba.
Suko rin at sunod ako,
tumatalima sa iyo
ako’y walang anu-ano,
kalinga ko ring totoo
balang iyong ipaoo.
Ano ay nang maganap na
ang pananalangin niya
nagtindig kapagkaraka,
hinanap niya at kinita
ang tatlo niyang kasama.
Nang datna’y nagugupiling,
natutulog na mahimbing:
agad niyang ginising
binating pinakamagaling,
ito ang ipinaturing.
Aniya ay mga liyag
katoto ko at alagad,
dili kayo nakagagad,
sa akin nang pagpupuyat
kahima’t isang oras!
Kayo nga ay gumising na,
manalanging para-para,
sa akin kayo’y gumaya
nang hindi pasukin baga
ng tukso’t madlang pangamba.
Di naman lubhang nabalam
yaong Poong nalulumbay,
ang tatlo’y agad iniwan,
at nagbalik kapagkuwan
sa pinanalanginan.
Ang pananalangin una
ay inuulit sa Ama
tuloy ipinagbilin pa,
na kalingain tuwi na
ang Birheng kaniyang Ina.
At ang mga apostoles
na kasi niya at ibig
ipinagbiling masakit
nang di masira’t lumamig
puso nila sa pag-ibig.
Saka naman ang wika pa:
poon kong Diyos, aniya,
kung gayon ay di sasala,
ang kamatayan ko’t dusa,
ako ay tumatalima.
Datapuwa, Amang mahal,
hingi ko’y iyong tulutan
mangyaring huwag maliban,
masakop ang sangtinakpan
ng dugo ko sa katawan.
Doon sa panalangin
ni Hesus na maawain
ay nanaog namang tambing,
anghel na sa langit galing
at isang kalis ang hain.
Nangusap na kapagdaka:
Poon kong Diyos, aniya,
ikaw po ay narinig na,
niyong pa mang unang-una,
ng Poon kong iyong Ama.
At itong dala kong kalis
ang iinuman mong pilit
ng apdong sakdal ng pait,
na pirarayang tikis
ng taong lilo’t balawis.
Iyang mga alagad mo,
minamahal pong totoo,
kakalingain, Poon ko,
nang di madaig, matalo,
ng dilang masamang tukso.
Ang di niya maitulot
sa iyo’t ipagkaloob
yaong hingi mong masayod
ng dugo mo at masakop
ang tao sa Sangsinukob.
Sapagkat Pastor kang tunay
nitong mundong kabilugan,
ang obehang sino pa man,
kundi masok sa bakuran
hindi nga masasakupan.
Nang ito ay masabi na
ng anghel an embahada,
pumanaw na kapagdaka,
si Hesus ay iniwan na
sa pananalangin niya.
Dito sa winikang ito
ng anghel sa Nasareno
ang siyang ipinaglumo,
nangatal ang tanang buto
hinayang sa ibang tao.
Natigilan na ang puso
at hindi na nakakibo
pinawisan na ng dugo
dating pawis ang kahalo,
sa lupa ay tumutulo.
Trists est anima mea usque
Ed mortem.
Sa gunamgunam at sakit,
pagkamatay kong mapait,
at ang aking puso’t dibdib,
nahahabag na malabis
sa ibang taong bulisik.
Ang Pananalangin ni
Hesukristong Panginoon natin
sa Werto ng Hetsemani
Kaya Kristiano’y magbawa
nang iyong pagkakasala,
maawa ka nang talaga,
at iyong ikabalisa
ang aba mong kaluluwa.
At kung di ka gumanito,
hunghang, malupit na tao
ano ang masasapit mo
kung hirap sa impierno,
ang siya mong matatamo.
Nang maganap na’t matapos
yaong paghapong tibobos,
ay itong Poong si Hesus
sampung mga disipulos,
nagpasalamat sa Diyos.
Sa Senakulo’y nalis na
si Hesus pati kasama
pawang may lumbay na dala
at ang pinaroonan nila,
kabundukan ng Oliba.
Sa haba nilang paglalakad,
ang apostoles na lahat,
inaliw ng Diyos Anak
at nang hindi nga masindak
ang kaniyang mga liyag.
O mga apostoles ko,
pili kong mga katoto
at ngayon ding gabing ito,
walang pagsalang totoo,
ako’y papanawan ninyo.
Kayo rin nga ay iilag,
magpapabaya’t duruwag
loob ninyo’y maiilap,
malilimutang di hamak
itong ating paghaharap.
Di sasala’t di lilihis
mga hulang itinitik
ng propetang mababait,
Percutiam pastorem et
Dispergentur oves gregis.
Na ang kanilang tinuran
ang Pastor ay susugatan,
agad namang mabubugaw,
ang obehang mga kawal,
walang di ka lalayasan.
Tantong hindi mag-iiba
hula ng mga propeta
na nasa sulat Sagrada
sapagkat wikang lahat na
ng Poon ko’t aking Ama.
Nang marinig ni San Pedro
yaong winika ni Kristo
di nakabatang totoo
loob ay sumikdu-sikdo
at nangusap ng ganito:
Et si omnes scandalizati
Fuerint inte, ego nunquam
Scandalizabor.
Maestro, aniyang mahal
silang lahat ma’y pumanaw,
at ikaw ay pabayaan
ako ang siyang daramay
kita’y di hihiwalayan.
Maniwala ang Poon ko
nitong pangako kong ito,
walang pagsalang totoo
di ako manaw sa iyo,
sa Diyos, Haring totoo.
Ani Hesus na maalam:
oya Pedro’y kararahan
isip ang wika mong iyan,
ang mabuyo ay mahalay
baka masinungalingan.
Si San Pedro’y sumagot pa
ng ganitong parirala:
Panginoon ko, aniya,
tunay di maniwala ka,
tantong ako’y magdurusa.
Pinasiya na ni Hesus
kay San Pedro ng pagsagot
ay bago nga magtilaok
sa hating-gabi ang manok
pilit nganing masusunod.
Walang pagsalang totoo
ako’y itatatuwa mo,
di miminsa’t makaitlo,
isa pang sasabihin mo’y
di nakikilala ako.
Sa pangungusap na yaon
ni Hesus na Panginoon,
lumakad silang nagtuloy,
at tumawid naman doon
torrenteng batis ng Sedron.
Yaong batis ng torrente
ng Sedrong dito’y nasabi
umaagos na parati,
tubig na batis na yari
sa libis ng libete.
Nang makatawid na naman
si Hesus at mga kawal
ay sa isang halamanan
Hethsemani ang pangalan,
doon sila nagsitahan.
Doo’y ang Poong si Kristo
nangusap sa disipulo:
kayo, aniya’y dumito,
at mananalangin ako
sa Diyos, Haring totoo.
Tatlo ang ipinagsama
na siyang pinili niya,
si Pedro ang una-una,
si Diego ang ikalawa
at si Huan Ebanghelista.
Pumasok at nagtuluyan
sa loob ng halamanan,
wertong pananalangin,
doon nga’y naggunamgunam
tigib kadalamhatian.
Ay ano’y nang malayo na
sa ibang mga kasama,
sa tatlo’y ang ibinadya
Tristis est anima mea
Usque ad mortem aniya.
Kaluluwa ko’y may lumbay
dahilan sa pagkamatay
dito kayo ay maghintay
kaya mga kaulayaw,
at manalanging mataman.
Vigilate ay ang turing
kayo ay magpakagising,
et orate, manalangin,
ut non, ay karugtong din
intertis in tentationem.
Kayo’y nang huwag pasukan
ng tukso’t dilang kasamaan
na kinaliligaligan,
kaya nga’t ang katampatan
ay manalanging mataman.
Nang maipangusap yaon
Si possible est, ang sabi
lumayo at naparoon
sa di maabot ng pukol,
lumuhod at nag-orasyon.
Aniya at Pater mi
Si impossible est, ang sabi,
Ama kong makalawingi
ng kung baga mangyayari
Transeat a me Calix iste.
Ama ko, kung kalooban,
mangyaring iyong iliban
at huwag kong mainuman,
ang kalis ng kapaitan
na darating sa ktawan.
Datapuwa nga anakin,
ito man ay aking hiling,
ang loob ko’y di ko sundin,
kundi ang iyong loob din
siya kong tatalimahin.
Yaring aking kaluluwa
nahahanda sa lahat na
anong gagawin ko, Ama,
ang katawan ay balisa,
siyang tantong nangangamba.
Suko rin at sunod ako,
tumatalima sa iyo
ako’y walang anu-ano,
kalinga ko ring totoo
balang iyong ipaoo.
Ano ay nang maganap na
ang pananalangin niya
nagtindig kapagkaraka,
hinanap niya at kinita
ang tatlo niyang kasama.
Nang datna’y nagugupiling,
natutulog na mahimbing:
agad niyang ginising
binating pinakamagaling,
ito ang ipinaturing.
Aniya ay mga liyag
katoto ko at alagad,
dili kayo nakagagad,
sa akin nang pagpupuyat
kahima’t isang oras!
Kayo nga ay gumising na,
manalanging para-para,
sa akin kayo’y gumaya
nang hindi pasukin baga
ng tukso’t madlang pangamba.
Di naman lubhang nabalam
yaong Poong nalulumbay,
ang tatlo’y agad iniwan,
at nagbalik kapagkuwan
sa pinanalanginan.
Ang pananalangin una
ay inuulit sa Ama
tuloy ipinagbilin pa,
na kalingain tuwi na
ang Birheng kaniyang Ina.
At ang mga apostoles
na kasi niya at ibig
ipinagbiling masakit
nang di masira’t lumamig
puso nila sa pag-ibig.
Saka naman ang wika pa:
poon kong Diyos, aniya,
kung gayon ay di sasala,
ang kamatayan ko’t dusa,
ako ay tumatalima.
Datapuwa, Amang mahal,
hingi ko’y iyong tulutan
mangyaring huwag maliban,
masakop ang sangtinakpan
ng dugo ko sa katawan.
Doon sa panalangin
ni Hesus na maawain
ay nanaog namang tambing,
anghel na sa langit galing
at isang kalis ang hain.
Nangusap na kapagdaka:
Poon kong Diyos, aniya,
ikaw po ay narinig na,
niyong pa mang unang-una,
ng Poon kong iyong Ama.
At itong dala kong kalis
ang iinuman mong pilit
ng apdong sakdal ng pait,
na pirarayang tikis
ng taong lilo’t balawis.
Iyang mga alagad mo,
minamahal pong totoo,
kakalingain, Poon ko,
nang di madaig, matalo,
ng dilang masamang tukso.
Ang di niya maitulot
sa iyo’t ipagkaloob
yaong hingi mong masayod
ng dugo mo at masakop
ang tao sa Sangsinukob.
Sapagkat Pastor kang tunay
nitong mundong kabilugan,
ang obehang sino pa man,
kundi masok sa bakuran
hindi nga masasakupan.
Nang ito ay masabi na
ng anghel an embahada,
pumanaw na kapagdaka,
si Hesus ay iniwan na
sa pananalangin niya.
Dito sa winikang ito
ng anghel sa Nasareno
ang siyang ipinaglumo,
nangatal ang tanang buto
hinayang sa ibang tao.
Natigilan na ang puso
at hindi na nakakibo
pinawisan na ng dugo
dating pawis ang kahalo,
sa lupa ay tumutulo.
Trists est anima mea usque
Ed mortem.
Sa gunamgunam at sakit,
pagkamatay kong mapait,
at ang aking puso’t dibdib,
nahahabag na malabis
sa ibang taong bulisik.
0 comments:
Post a Comment