Ang pangangaral ni Kristo
sa babaeng Samaritana
Bayan-baya’y nililibot
nang pangangaral ni Hesus;
isang tanghali’y napagod
nagpahinga at lumuklok
doon sa balon ni Hakob.
babaing makasalanan,
Samaritana ang ngalan,
at pagdating agad naman
binati’t pinangaralan.
At ang ginawang dahilan
daang sukat maaralan
kanyang pinaki-inuman
at totoong nauuhaw
sa taong makasalanan.
Ang madlang lingid na sala
ng abang Samaritana
agad ipinakilala
ni Hesus na Poong Ama
pinagsisihang talaga.
Itong babae pagkuwan
ang banga niya’y iniwan
at biglang nasok sa bayan
ipinahayag sa tanan
yaong himalang natingnan.
Nabantog nga sa lahat na
bait, karunungan niya
at balang taong makakita
paraparang nagtataka
kay Hesus na Poong Ama.
Itong Diyos na maalam
tumahan ng dalawang araw
doon sa Sikar na bayan;
mga tao’y inaralan
at pinaghihimalaan.
Nguni’t ang mga Hebreos
at kuhilang pariseos,
ay nanagsukalang-loob
sa himalang napabantog
nitong maawaing Diyos.
Ito ngang Poong marikit
isang araw ay sumapit
sa dagat ng Tiberiades,
doon nakita si Andres
sampu ni Pedrong kapatid.
Sa tubig ay iniladlad
ang kanilang sadyang lambat
doon na ngani namalas,
sila ng Poong Mesias
sumunod na walang liwag.
Lumakad na di nagbantog
itong ating Panginoon
sampu ng apat na kampon;
kapagdaka ay nagtuloy
sa bayan ng Kaparnaum.
pumasok sa Sinagoga
at nangaral sa lahat na
ay pawang nangagtaka
sa bait at dunong niya.
Ito ang siyang pahayag
ni
madlang tao’y nagsitanggap
at nakikinig na lahat
dito sa Poong Mesias.
Dito rin sa bayang ito,
may pinagaling si Kristo;
pinapasukan ng tukso
sa katawan, nitong tao
namamahay ang demonyo.
Nang ito ay magawa na
ni Hesus na Poong Ama
umalis sa Sinagoga,
at doon tumuloy siya
sa bahay ni Pedrong sadya.
Dinatnan naman sa bahay
ay ang kay Pedrong biyenan,
may sakit at nararatay;
pinagaling kapagkuwan
at nagsilbi na sa dulang.
Saka nang kinabukasan
doon kay Pedrong pintuan
doroo’t nagkakapisan
may sakit na di mabilang
ng mga tao sa bayan.
Kapagdaka’y pinagaling
nitong Panginoon natin
madlang tao’y umuwi rin
tuwa’y walang makahambing
ng puso nila’t panimdin.
At umalis naman doon
sa bayan ng Kaparnaum
at sa Galilea nagtuloy
itong si Hesus na Poon
pagod ay walang kaukol.
Doo’y maraming himala
na pawa niyang ginawa
nagpapagaling na kusa,
may sakit kahit patay nga
binubuhay alipala.
Nang siya nga ay magbalik
sa daan ng
doon naman ay nabatid,
madlang tao’y nakikinig
ng aral niyang marikit.
Daming hindi mamagkano
ng sumusunod na tao
ang ginawa nitong Berbo,
sa barko ni Simon Pedro
sumakay silang totoo.
Sa tabi ng karagatan
ang tao ay inaralan
nang matapos agad naman,
napalaot kapagkuwan
si Pedro’y pinangusapan.
Iyang lambat mo, aniya,
Pedro’y iyong ihulog na;
ani Pedrong mapaninta;
kami nga po’y magdamag na
walang huli kahit isa.
Nguni’t ako po’y sumunod
at sapagka’t inyong utos
dito’y agad nang sinambot
ni Pedro at inihulog
ang lambat niya sa laot.
Nang kanilang isasampa
ang lambat ay di mahila
bigat na walang kapara,
napatulong kapagdaka
sa iba niyangkasama.
Ano pa’t maraming lubha
ang kanilang huling isda,
sinigla’y dalawang bangka
at nangatigib kapuwa,
kataka-takang himala.
Dito pinuring totoo
ang Poon niya’t Maestro
katuwaa’y mago’t-mago;
mula sa pagiging ulo
Santa Iglesia ni Pedro.
Yaong isdang karamihan
sampung bangkang sinidlan
ay di iba’t kalarawan
ng Santa Iglesiang mahal
buong Sangkakristianuhan.
Saka naman isang araw
sa Kaparnaum ngang bayan
si Hesus, doo’y naglakbay
na ang tika’y mangangaral
sa taong makasalanan.
Sa kalakhang panininta
niya’t pag-aalaala
di mapalagay tuwi na
parating nababalisa
ang kaniyang kaluluwa.
Sa karamihang totoo
ng taong nangagsidalo
may isang paralitiko,
dala ng apat na katao
na iniharap kay Kristo.
Ay ano nga’t ng makita
ni Hesus, binati niya,
taong maysakit, aniya,
ang lahat mong mga sala
ipinatawad ko na.
Gayong wika’y nang matalos
ng eskribas, pariseos,
nangagbulong, nangag ingos
sino, anilang huhunos
ng sala kundi ang Diyos.
Saka iyang taong uslak
mangangahas magpatawad
ay ang sagot ng Mesias,
ngayon ninyo mababatyag
ang kabagsikan kong wagas.
Pinagwikaan na rito
ang abang paralitiko
hayo’t magbangon ka tao,
biglang dalhin ang banig mo,
ito’y utos ko sa iyo.
Nang ito’y maipagsulit,
paralitiko’y nagtindig,
pinasan agad ang banig
pagpupuring walang-patid
dito sa Poong marikit.
Nalis na siya at nanaw,
at umuwi na sa bayan
na ang balang masumpungan,
agad pinamalitaan,
nitong himalang nakamtan.
Sa mga gawang milagro
nitong maamong Kordero,
dito siya pinagsino
ng lahat ng mga tao
pagpupuri’y mago’t mago.
Ano pa nga’t nabantog na
bait karunungan niya
sa buong hakariang Siria,
pawang nagsisitanggap na
ng mahal niyang Doktrina.
Isang araw, si Mateo
ay nakita nitong Berbo,
tinawag nga niya ito
at sumama naman dito,
sa maalam na Maestro.
Ang pabuwisang tindahan
at salaping patubuan
kapagdaka ay iniwan
ni Mateong matimtiman
dahil kay Hesus na Mahal.
Napapiging kay Mateo
itong maawing Berbo,
ano’y sa makita ito,
niyong mga pariseo,
upasala’y mago’t mago.
Kung iyan anila ay banal
Anak ng Diyos na tunay,
ano’t nanakyat sa bahay,
sumasalo pa sa dulang
ng taong makasalanan.
Dito sa Poong marikit,
walang gawang nalilingid,
kaya tunay niyang batid,
yaong mga lilong isip
at mga akalang lihis.
Ang kay Hesus na tinuran
doon sa mga sukaban;
ang aking pinarituhan
aniya’y hindi ang banal
kundi ang makasalanan.
At ang buong akala ko,
hindi dapat ang mediko
sa walang sakit na tao,
kaya mga maginoo,
isip ninyo ay magbago.
Nang ito’y maipangusap
ng mahal na Diyos Anak
agad na siyang lumakad,
sa Herusalem tumambad,
at mangangaral sa lahat.
Dito’y maraming milagro,
ginawa niya sa tao,
daang isinama ito,
loob ng mga hudyo,
sa Poong kay Hesukristo.
Marami angupasala
niyong mga aliktiya,
galit na hindi kawasa,
kainggitan nilang pawa
dito sa Poong may-gawa.
Kay Hesus na maalaman
ang masamang kaisipan
niyong mga tampalasan,
ay umalis kapagkuwan
sa Herusalem na bayan.
At dito nga sa pag-alis
ng Poong kaibig-ibig
ay nangagsisamang pilit
ang tanang may mga sakit,
na hanggang sa Tiberiades.
Pinagaling kapagdaka
yaong taong nagsisama;
doon si Hesus na Ama
siya naman ay kumita
ng kakatotohin niya.
Labingdalawang katao,
siyang pinili ni Kristo
Apostoles na katoto
na maghahayag sa mundo
ng kaniyang Ebanghelyo.
Si Pedro ang una-una,
puno ng Santa Iglesia,
si Andres ang ikalawa,
magkapatid naman sila,
tunay na anak ni Hona.
Si Huan at si Santiago
magkapatid din nga ito
na anak ni Sebedeo,
mga Apostol ni Kristo
pinili niyang katoto.
At ang ikalamang bilang
ay Felipe ang pangalan
at ang ikaanim naman,
si Bartolomeng timtiman
Apostol niyang hinirang.
Si Tomas ang ikapito,
ikawalo’y si Mateo,
ikasiyam si Hakobo,
saka si Hudas Tadeo,
magkapatid naman ito.
Ang ama nito’t magulang
dalawang taong magalang
si Alpeo ang pangalan
loob ay lubhang timtiman
hahi’t mahirap ang buhay.
Ikalabing-isa nito
na apostoles ni Kristo
ay si Simon Kananeo,
dukha ma’y mabuting tao
at maawaing totoo.
Ang ikalabingdalawa
si Hudas at dili iba,
Iskarioteng palamara
na sa kasakimang dala
nagpakasamang talaga.
Ang labingdalawang ito
35
dukha at hamak na tao
walang halaga sa mundo,
mga mangmang na totoo,
walang dunong kahi’t ano.
Ito ang siyang hinirang
ni Hesus na Poong Mahal
magpapatanyag ng aral
gagawa ng kababalaghan
dito sa Sangsinukuban.
Nang mapili ng matapos
ang Apostoles ni Hesus
sampung mga disilupos
umupo sila’t lumuklok
sa itaas ng isang bundok.
Doon iniaral na mga
ni Hesus Haring dakila
ang mapapalad na gawa,
pakikinabang pawa
ng tao dito sa lupa.
Ay ano nga’y nang matapos
ang pangangaral ni Hesus
agad silang napausos
at umalis na sa bundok
sampung mga disipulos.
Sa pagpanaog na ito
ng Poong si Hesukristo
pinagaling naman dito,
ang lumapit na leproso
na napa-awang totoo.
0 comments:
Post a Comment