Hula nang mga Propetas sa
ating Panginoong Hesukristo
Ang sa mga unang pantas
na masisidhing propetas,
siyang nagsabi’t sumulat
nang kamatayan at hirap,
ng pariritong Mesias.
Sa salmos na ikalawa
ni David, bunying propeta
Mesias na mapaninta,
pariritong walang sala,
Kusang magpapakamura.
sinabi niya't tinuran
ang buong kapangyariahn
samou nang kaparusahan,
sa sinomang sumasalangsang
ng kaniyang kautusan.
sinaysay ng madlang hirap
na darating ng Mesias;
darakoin ng mararahas;
at tataliang di hamak.
aariing isang uslak.
Ano pa at itinitik
sa buong Salmos ni David
ang buhay na masasapit,
hirap at madaling pasakit
Niyong Berbong mapagtiis.
Ang Propetang si Miqueas
siyang nag-sabi't sumulat;
sa Belen ipanganganak
at doon din nga sisikat,
Iyong mahal na Mesias.
At yaong namang Propeta
si Isaias ang nagbadya
Isang dalaga aniya.
Maglilihi walang sala
At manganganak ng isa.
at yaong iaanak din
tatawaging Emmanuel
kung baga tatagalugin,
ngayon yaon ay ang turing.
Siyos ay sumasaatin.
ecce verbo concipiet et pariet
fillium at vocavitur nomen
ejus Emmanuel Isayas 7:14
Tanang mga testamento
ang palaman ay ganito:
hirap na di mamagkano,
ang sasapiting totoo
niyong sasakop sa tao.
Ang wika pa at pahayag
na kung dakpin ang Mesias,
at sa takot ng alagad,
tatakbo’t magsisiilag,
magpapahaba’t duruwag.
Totoo ngang aariing
parang ulol, taong baliw:
ano pa at hahamakin,
niyong mga sinungaling
at mga panaghiliin.
Isa’t isa ay mumura,
mukha niya’y luluran pa
tatampalin naman siya,
magtitiis, magbabata,
Kordero siyang kapara.
Sicut ovisad occisionem ducetur
et quasi agnus tondente,
se obmutescet, et non apariet
os sunm. Isayas 51:7’
Siya’y ipaghahatiran
sa isa’t isang hukuman:
si Pilato’y sila lamang,
ang hahatol kapagkuwan
nang dusang ikamamatay.
Mula ulo hanggang paa
matatadtad ng suplina
limang libong mahigit pa,
ihahampas sa kaniya
niyong mga palamara.
Tuloy namang puputungan
ng tinik ang ulong mahal
kunwa nga’y hari-harian,
ang setrong ipatatangan,
isang tambong hamak lamang.
At sa gayong mga sakit,
ang ibibigay na tubig
ay sukat apdong mapait,
ipaiinom na tikis
niyong mga malulupit.
At kung siya’y patayin na
na sa krus ipariripa,
susugatan kapgdaka,
yaong tagiliran niya
ng senturiong masigla.
Kung malibing nang totoo
ang bangkay ni Hesukristo
sa takot ng mga lilo,
yaong mahal na sepulkro’y
babantayan ng soldado.
Nguni’t agad mabubuhay
paghusto mg tatlong araw,
at paglabas na sa hukay
pawang manga lulunasan
ang soldadong nagbabantay.
Ito ang hulang lahat na
ng masidhing propeta:
ang sakit at madlang dusa,
titiising, parapara
ng ikalawang Persona.
ECCE TU VENI AD ME
0 comments:
Post a Comment