Ang pagkamatay ni San Hosep
Ng malapit nang mangaral
si Hesus sa katauhan
ibig ngang ipatanghal,
ang kaniyang kadiyosan
sa taong makasalanan.
Nguni't ang kasing esposo,
ama sa haka ng tao,
si San Hosep bagang Santo,
natanto rin nga totoo
ang sasapitin ng Berbo.
Kaya nga't nang di makita
ni Hosep ang madlang dusa
ni Hesus na iwi niya,
hiningi nang buong sinta
siya'y mamatay na una.
At hindi nga matitiis
niyong banal na si Hosep
na makita at masilip,
ang madlang hirap at sakit
ni Hesus na kasi't ibig.
Dito sa nasang magaling
ni San Hosep na butihin
agad namang sinunod din,
ng Diyos na maawain
ang kaniyang pita't hiling.
Yaon ang siyang mula na
ng pagkakasakit niya
kinalinga tuwi na,
ni Hesus at ni Maria
si Hosep na mapaninta.
Palibhasa ay katoto
at malinis na esposo
kinalinga ngang totoo,
ng Poong Hesukristo't
ni Mariang masaklolo.
Sa kalubhaang di hamak
ng sakit nitong mapalad
di na inibsan ng lagnat,
ito na ang siyang wakas
buhay niyang mabanayad.
Di siya hiniwalayan
nitong mag-inang timtiman
ang alaga'y matibay,
sa kanyang pagkaratay
hanggang sa napatdang-buhay.
Wala nganing makapara
itong pagkamatay niya
daig ang santong lahat na;
sa kamay nitong mag-ina
pumanaw ang kaluluwa.
Ang kaluluwang marikit
nitong timtimang si Hosep
sinalubong ng angheles,
pinupuring walang patid
tuwang walang kahulilip.
At kanilang inilagay
sa seno nga ni Abraham;
sabihin ang katuwaan,
sayang hindi ano lamang,
ng lahat ng mga banal.
Si Hosep ang una-una
namalita ngang talaga,
sa mga Santos Propeta,
aniya ay dumating na
yaong sasakop sa sala.
Dito nga napagnilay
lubos naggunamgunam
di na lubhang mababalam,
bibihisan kapagkuwan
ang kanilang kahirapan.
Ng malapit nang mangaral
si Hesus sa katauhan
ibig ngang ipatanghal,
ang kaniyang kadiyosan
sa taong makasalanan.
Nguni't ang kasing esposo,
ama sa haka ng tao,
si San Hosep bagang Santo,
natanto rin nga totoo
ang sasapitin ng Berbo.
Kaya nga't nang di makita
ni Hosep ang madlang dusa
ni Hesus na iwi niya,
hiningi nang buong sinta
siya'y mamatay na una.
At hindi nga matitiis
niyong banal na si Hosep
na makita at masilip,
ang madlang hirap at sakit
ni Hesus na kasi't ibig.
Dito sa nasang magaling
ni San Hosep na butihin
agad namang sinunod din,
ng Diyos na maawain
ang kaniyang pita't hiling.
Yaon ang siyang mula na
ng pagkakasakit niya
kinalinga tuwi na,
ni Hesus at ni Maria
si Hosep na mapaninta.
Palibhasa ay katoto
at malinis na esposo
kinalinga ngang totoo,
ng Poong Hesukristo't
ni Mariang masaklolo.
Sa kalubhaang di hamak
ng sakit nitong mapalad
di na inibsan ng lagnat,
ito na ang siyang wakas
buhay niyang mabanayad.
Di siya hiniwalayan
nitong mag-inang timtiman
ang alaga'y matibay,
sa kanyang pagkaratay
hanggang sa napatdang-buhay.
Wala nganing makapara
itong pagkamatay niya
daig ang santong lahat na;
sa kamay nitong mag-ina
pumanaw ang kaluluwa.
Ang kaluluwang marikit
nitong timtimang si Hosep
sinalubong ng angheles,
pinupuring walang patid
tuwang walang kahulilip.
At kanilang inilagay
sa seno nga ni Abraham;
sabihin ang katuwaan,
sayang hindi ano lamang,
ng lahat ng mga banal.
Si Hosep ang una-una
namalita ngang talaga,
sa mga Santos Propeta,
aniya ay dumating na
yaong sasakop sa sala.
Dito nga napagnilay
lubos naggunamgunam
di na lubhang mababalam,
bibihisan kapagkuwan
ang kanilang kahirapan.
0 comments:
Post a Comment