Huwebes Santo
Ang Pagtatuwa ni San Pedro
sa ating Panginoong
Hesukristo
Si San Pedro’t si San Huan
yaong buo niyang pinsan
ay dili rin humiwalay,
at nagmamasid ng bagay
baga man di dumaramay.
Dito rin sa gabing ito
yaong mga taong lilo
at nagsisiga sa patyo
nakipanalang si Pedro
sa ibang mga hudyo.
Manang siya’y ng makita
ng isang batang dalaga
dili buhi’t hamak na,
binati kapagkaraka
ito ang ipinagbadya:
Aniya ay maginoo
ikaw’y nakikilala ko
kasama-samang totoo,
nitong huli ngayong tao
na si Hesus Nasareno.
Sumagot na kapagkuwan
si Pedrong natitilihan
ang winika ay aywan
ako’y walang kamalay-malay
niyang wika mong tinuran.
Bunso ikaw’y namamali
ng pagsino mo’t pagbati
ano’t makakasangguni,
iya’y di ko kaurali
minsan ma’y di nakasanhi.
Pumanaw na kapagdaka
anyong naglilibang siya
may tao namang nakita,
nananalanging sa laguerta
na ginayahan nga niya.
Ang Apostol na si Pedro’y
nag-anyong hamak na tao
kunwa ay hindi katoto,
nang Poong si Hesukristo
ng di siya mapagsino.
76
Doon naman ay may isang
hudyo na kasiping niya
binati kapagkaraka,
dili ka baga kasama,
niyang taong nahahabla?
Ang isinagot ni Pedro
aywan ko po maginoo
na kung saan siya tao,
di do masabi sa iyo’t
walang malay-malay ako.
May isang nakamamalas
lalong nakatatalastas
nagwika at nagpahayag,
iyan ay isang alagad
Galileo kung mangusap.
Sa pagtanong na ikatlo
nagdalang takot si Pedro
nakalimot na totoo,
isinumpa na niya rito
ang pagtatuwa sa Maestro.
Pisanan aniya’t madurog
kung ako’y nakatalos
at kung ako’y nakaumpok
niyang taong nagagapos
magnilay kayong tibobos.
Oh Pedrong nagitlahanan
at budhing nahintakutan
bakit ka nagkaganiyan,
di mo na ginunamgunam
ang sinta niyang pautang?
Pedro ito’y ano baga
ano’t ikaw nabalisa?
aba soldadong masigla?
manilay at mag-isip ka
sa loob mong nag-iisa!
Sa gayong sabi at wika
ni Pedro nang pagtatuwa
sa Panginoong dakila
nagtilaok alipala,
mga sasabunging madla.
Ano pa’t nagkatotoo
yaong winika ni Kristo
sa halamanan kay Pedro
gabing yao’y makaitlo
tatatuwa at tatalo.
Dili ang wika mo naman
at pangako ngang matibay
sa Maestro’t Poong mahal
di mo siya papanawan
kahit iyong ikamatay?
Pedro at nasaan baga
ang iyong pangakong una?
ngayon ay tumatatuwa ka,
animoy di ka kasama
at di mo nakikilala?
Ano at iyong nilimot
itong maawaing Diyos
agad kang napahinuhod,
nabakla ka at natakot
sa mga lilong hudyos?
Bakit kaya’t nilimot mo
ang mapagpalang Maestro
na masintahin sa tao,
agad ka nang napatukso
sa tanong ng mga lilo?
Dili ito’y siyang nilit
hinugasan ka’t pinahid
tumanggi kang masakit
ang wika mo’y non lavabis
in aeternum mihi pedes.
Dili ang una mong puri
sa Maestro’t Poong kasi
ibinabati mong dati,
ng minsan kang magsabi
Tu es Filius Dei vivi.
Dili ka tinugon naman
nitong Maestrong maalam
Pedro ang iyong pangalan,
kung baga sa katuwiran
bato ka sa kaligtasan.
Ano ngayon at lumambot
Pedro iyang iyong loob
agad ka nang nanghilakbot,
at kusa kang tumalikod
sa Maestron mapagkupkop?
Dito ito’y ang nagpasilay
sa inyo nga si San Huan
lubos na kaluwalhatian,
ng mahal niyang katawan
sa Tabor na kabundukan?
Di doon ka natilihan
ibig mo nang huwag manaw
lumagi’t doon tumahan,
inaalok mo pa naman
gumawa ng tatlong bahay?
Tuwa mong walang kapara?
doon sa iyong nakita
pagkaluwalhati niya,
bakit ka ngayon nangamba
siya’y iyong iniba?
Iyang iyong pagtatuwa
Pedro’t pag-upasala
paglililo mong dakila,
huwag kang mag-alibugha
at sa iyo’y naaawa.
Ay ano nga’y sa mamasdan
nitong Diyos na maalam
ang kay Pedrong kabuhungan
pagtatuwa niyang tunay
ay lumingon kapagkuwan.
Tinitigan na si Pedro
nitong maamong Maestro
kahiya-hiyang totoo,
sintang hindi mamagkano
at hinayang sa katoto.
Para nang winika niya
niyong pagtitig ng mata
ay aba Pedro ay aba,
di mo ako nakikilala
ay nakikilala kita!
Kung ano ma’y itinalo
ngayo’y itintatuwa mo
at natakot kang totoo,
huwag kang mahiya Pedro
at tumawag sa Maestro.
Kita ay patatawarin
nang pagtatuwa mo sa akin
hayo’t ikaw ay manimdim
at iyong alalahanin
itong iyong gawang linsil.
Huwag kang magsalawahan
ng pagtawag mong matibay
dati mong naalaman
ang madla kong kaawaan
sa taong sino’t alin man.
At dating natanto mo
ang wikang awa sa tao
ay ikaw pa baga Pedro,
ay hindi kaawaan ko
kung tumawag kang totoo.
Ay aba huwag kang malis
ako’y iyong ikahapis
natatali kang masakit,
sa puso ko’t aking dibdib
na di ibig kong mapaknit.
Ako’y iyong iniiba
parang di mo kakilala
sa akin ay manalig ka,
ang Poon ko’t aking Ama
sa iyo’y magkakalara.
At naligaw ka man Pedro
sa ibang daan tumungo
muwi sa daang totoo,
ako ay siyang Pastor mo
na sumusunod sa iyo.
Ng si Pedro’y lumingon na
at si Hesus ay makita
na tinititigan siya
doon niya nakilala
ang nagawa niyang sala.
Doon niya nausisa
at kaniyang nahalata
kataksilan niyang gawa,
nalumbay na di kawasa
agad tumulo ang luha.
Kapagdaka ay umalis
sa isang ilang sumapit
tumahan sa isang yungib
sala niya’y itinangis
pinagsisihang masakit.
Gabi’t araw walang likat
nang pagtangis at pag-iyak
luha’y agos ang katulad,
kulang lamang ang mawalat
ang dibdib sa paghihirap.
Pinagninilay sa loob
ang kaniyang pagkalimot
dumagok at naghimutok,
luha sa mata’y nanagos
sa dibdib ay umaanod.
Diyata Panginoon ko
ako’y di naturang tao
Langit pa’y sukat tumampo
nitong aking paglililo
at pagsusukab sa iyo.
Ikaw ang Diyos kong mahal
at Maestro kong maalam
siya kong pinagliluhan,
itinatuwa kong tunay
at aba nang aking buhay!
Ay sa aba mo ngang aba,
Pedro ng uban mong madla
ngayon ikaw ay tumanda
ay wala ka ngang nagawa
kundi magpakasira!
Di mo na ginunam-gunam
ang lagay mo’t kababaan
ang Maetro mong maalam,
di mo na kinaawaan
at itinalo mong tunay.
Nabalatong kang tibobos
ang bait mo’t napanulos
kasakit-sakit sa loob,
ang iyo ngang pagtalikod
sa Poon mo’t iyong Diyos.
At saan ka patutungo
tatakbuhan kaya’y sino
sa kasalanan mong ito?
dili iba’t ang Maestro
ang siyang sinumpaan mo.
Ikaw pala ay may laan
talagang budhing mahalay
tikis at kusang pagsuway,
at malaking kaliluhan
sa Panginoong Maykapal.
Di ka pa pinipigipit
ay nagsumpang dakip
ay agad ka nang umalis,
sa dati mong pananalig
sa Maestro’t Poong ibig.
Ikaw ngayong ay paano
dapat kayang mabata mo
na isulyap mo sa Maestro,
dalawa mong matang lilo
di kumilalang totoo?
Magbago kang ala-ala
at lubos ka nang magtika
huwag miling magkasala,
at nang ibigin tuwi na
nang Poon mong mapaninta.
Ano panga’t itinangis
ni Pedro’t, ikinahapis
gawa niyang di matuwid
kaya nga’t ginanting bihis
nang Diyos, Hari ng Langit.
Ang Pagtatuwa ni San Pedro
sa ating Panginoong
Hesukristo
Si San Pedro’t si San Huan
yaong buo niyang pinsan
ay dili rin humiwalay,
at nagmamasid ng bagay
baga man di dumaramay.
Dito rin sa gabing ito
yaong mga taong lilo
at nagsisiga sa patyo
nakipanalang si Pedro
sa ibang mga hudyo.
Manang siya’y ng makita
ng isang batang dalaga
dili buhi’t hamak na,
binati kapagkaraka
ito ang ipinagbadya:
Aniya ay maginoo
ikaw’y nakikilala ko
kasama-samang totoo,
nitong huli ngayong tao
na si Hesus Nasareno.
Sumagot na kapagkuwan
si Pedrong natitilihan
ang winika ay aywan
ako’y walang kamalay-malay
niyang wika mong tinuran.
Bunso ikaw’y namamali
ng pagsino mo’t pagbati
ano’t makakasangguni,
iya’y di ko kaurali
minsan ma’y di nakasanhi.
Pumanaw na kapagdaka
anyong naglilibang siya
may tao namang nakita,
nananalanging sa laguerta
na ginayahan nga niya.
Ang Apostol na si Pedro’y
nag-anyong hamak na tao
kunwa ay hindi katoto,
nang Poong si Hesukristo
ng di siya mapagsino.
76
Doon naman ay may isang
hudyo na kasiping niya
binati kapagkaraka,
dili ka baga kasama,
niyang taong nahahabla?
Ang isinagot ni Pedro
aywan ko po maginoo
na kung saan siya tao,
di do masabi sa iyo’t
walang malay-malay ako.
May isang nakamamalas
lalong nakatatalastas
nagwika at nagpahayag,
iyan ay isang alagad
Galileo kung mangusap.
Sa pagtanong na ikatlo
nagdalang takot si Pedro
nakalimot na totoo,
isinumpa na niya rito
ang pagtatuwa sa Maestro.
Pisanan aniya’t madurog
kung ako’y nakatalos
at kung ako’y nakaumpok
niyang taong nagagapos
magnilay kayong tibobos.
Oh Pedrong nagitlahanan
at budhing nahintakutan
bakit ka nagkaganiyan,
di mo na ginunamgunam
ang sinta niyang pautang?
Pedro ito’y ano baga
ano’t ikaw nabalisa?
aba soldadong masigla?
manilay at mag-isip ka
sa loob mong nag-iisa!
Sa gayong sabi at wika
ni Pedro nang pagtatuwa
sa Panginoong dakila
nagtilaok alipala,
mga sasabunging madla.
Ano pa’t nagkatotoo
yaong winika ni Kristo
sa halamanan kay Pedro
gabing yao’y makaitlo
tatatuwa at tatalo.
Dili ang wika mo naman
at pangako ngang matibay
sa Maestro’t Poong mahal
di mo siya papanawan
kahit iyong ikamatay?
Pedro at nasaan baga
ang iyong pangakong una?
ngayon ay tumatatuwa ka,
animoy di ka kasama
at di mo nakikilala?
Ano at iyong nilimot
itong maawaing Diyos
agad kang napahinuhod,
nabakla ka at natakot
sa mga lilong hudyos?
Bakit kaya’t nilimot mo
ang mapagpalang Maestro
na masintahin sa tao,
agad ka nang napatukso
sa tanong ng mga lilo?
Dili ito’y siyang nilit
hinugasan ka’t pinahid
tumanggi kang masakit
ang wika mo’y non lavabis
in aeternum mihi pedes.
Dili ang una mong puri
sa Maestro’t Poong kasi
ibinabati mong dati,
ng minsan kang magsabi
Tu es Filius Dei vivi.
Dili ka tinugon naman
nitong Maestrong maalam
Pedro ang iyong pangalan,
kung baga sa katuwiran
bato ka sa kaligtasan.
Ano ngayon at lumambot
Pedro iyang iyong loob
agad ka nang nanghilakbot,
at kusa kang tumalikod
sa Maestron mapagkupkop?
Dito ito’y ang nagpasilay
sa inyo nga si San Huan
lubos na kaluwalhatian,
ng mahal niyang katawan
sa Tabor na kabundukan?
Di doon ka natilihan
ibig mo nang huwag manaw
lumagi’t doon tumahan,
inaalok mo pa naman
gumawa ng tatlong bahay?
Tuwa mong walang kapara?
doon sa iyong nakita
pagkaluwalhati niya,
bakit ka ngayon nangamba
siya’y iyong iniba?
Iyang iyong pagtatuwa
Pedro’t pag-upasala
paglililo mong dakila,
huwag kang mag-alibugha
at sa iyo’y naaawa.
Ay ano nga’y sa mamasdan
nitong Diyos na maalam
ang kay Pedrong kabuhungan
pagtatuwa niyang tunay
ay lumingon kapagkuwan.
Tinitigan na si Pedro
nitong maamong Maestro
kahiya-hiyang totoo,
sintang hindi mamagkano
at hinayang sa katoto.
Para nang winika niya
niyong pagtitig ng mata
ay aba Pedro ay aba,
di mo ako nakikilala
ay nakikilala kita!
Kung ano ma’y itinalo
ngayo’y itintatuwa mo
at natakot kang totoo,
huwag kang mahiya Pedro
at tumawag sa Maestro.
Kita ay patatawarin
nang pagtatuwa mo sa akin
hayo’t ikaw ay manimdim
at iyong alalahanin
itong iyong gawang linsil.
Huwag kang magsalawahan
ng pagtawag mong matibay
dati mong naalaman
ang madla kong kaawaan
sa taong sino’t alin man.
At dating natanto mo
ang wikang awa sa tao
ay ikaw pa baga Pedro,
ay hindi kaawaan ko
kung tumawag kang totoo.
Ay aba huwag kang malis
ako’y iyong ikahapis
natatali kang masakit,
sa puso ko’t aking dibdib
na di ibig kong mapaknit.
Ako’y iyong iniiba
parang di mo kakilala
sa akin ay manalig ka,
ang Poon ko’t aking Ama
sa iyo’y magkakalara.
At naligaw ka man Pedro
sa ibang daan tumungo
muwi sa daang totoo,
ako ay siyang Pastor mo
na sumusunod sa iyo.
Ng si Pedro’y lumingon na
at si Hesus ay makita
na tinititigan siya
doon niya nakilala
ang nagawa niyang sala.
Doon niya nausisa
at kaniyang nahalata
kataksilan niyang gawa,
nalumbay na di kawasa
agad tumulo ang luha.
Kapagdaka ay umalis
sa isang ilang sumapit
tumahan sa isang yungib
sala niya’y itinangis
pinagsisihang masakit.
Gabi’t araw walang likat
nang pagtangis at pag-iyak
luha’y agos ang katulad,
kulang lamang ang mawalat
ang dibdib sa paghihirap.
Pinagninilay sa loob
ang kaniyang pagkalimot
dumagok at naghimutok,
luha sa mata’y nanagos
sa dibdib ay umaanod.
Diyata Panginoon ko
ako’y di naturang tao
Langit pa’y sukat tumampo
nitong aking paglililo
at pagsusukab sa iyo.
Ikaw ang Diyos kong mahal
at Maestro kong maalam
siya kong pinagliluhan,
itinatuwa kong tunay
at aba nang aking buhay!
Ay sa aba mo ngang aba,
Pedro ng uban mong madla
ngayon ikaw ay tumanda
ay wala ka ngang nagawa
kundi magpakasira!
Di mo na ginunam-gunam
ang lagay mo’t kababaan
ang Maetro mong maalam,
di mo na kinaawaan
at itinalo mong tunay.
Nabalatong kang tibobos
ang bait mo’t napanulos
kasakit-sakit sa loob,
ang iyo ngang pagtalikod
sa Poon mo’t iyong Diyos.
At saan ka patutungo
tatakbuhan kaya’y sino
sa kasalanan mong ito?
dili iba’t ang Maestro
ang siyang sinumpaan mo.
Ikaw pala ay may laan
talagang budhing mahalay
tikis at kusang pagsuway,
at malaking kaliluhan
sa Panginoong Maykapal.
Di ka pa pinipigipit
ay nagsumpang dakip
ay agad ka nang umalis,
sa dati mong pananalig
sa Maestro’t Poong ibig.
Ikaw ngayong ay paano
dapat kayang mabata mo
na isulyap mo sa Maestro,
dalawa mong matang lilo
di kumilalang totoo?
Magbago kang ala-ala
at lubos ka nang magtika
huwag miling magkasala,
at nang ibigin tuwi na
nang Poon mong mapaninta.
Ano panga’t itinangis
ni Pedro’t, ikinahapis
gawa niyang di matuwid
kaya nga’t ginanting bihis
nang Diyos, Hari ng Langit.
0 comments:
Post a Comment