HUEBES SANTO
Nang una’y kaugalian
niyong taong kalahatan,
taon yao’y napipisan
ang buong sangkahudyohan
sa Herusalem na bayan.
Kapag ikalabing-apat
buwan ng Marso ang bansag
magpipisan na ang lahat,
tuwa nang pasasalamat
ng manaw sa paghihirap.
Sapagka’t ng unang araw
bihag ang sangkahudyohan
ni Paraong haring hunghang,
at alipin silang tunay
ng taga-Ehiptong bayan.
Si Moises at hindi iba
ang sa kanila’y kumuha,
himalang kataka-taka,
sa hari’ipinakita
pagtubos nga sa kanila.
Ito ngang araw na ito
ang pagsasaya ng hudyo;
nang pagpanaw sa Ehipto,
araw ng Paskuang ganito
kaya sila dumarayo.
Nang Huwebes pagka umaga
si Kristo ay gumayak na
at nagpaalam sa ina,
tutupdin na ngang talaga
pagsakop niya sa sala.
Aniya ako’y paalam,
kalapating minamahal
ina kong kinalulugdan;
ito na ang takdang araw,
sa Diyos na kalooban.
Dumating na pong totoo
araw na hinihintay ko
ng pagsakop ko sa tao;
magdalita ang ina ko,
ako’y paalam sa iyo.
Ina huwag kang mahapis
sa pagpanaw ko’t pag-alis
masaklap man at mapait,
titiisin at siyang ibig
ng Ama kong nasa langit.
Nang matanto ni Maria
yaong sabi sa kaniya,
dibdib ay kumaba-kaba
at tumangis kapagdaka.
ito ang ipinagbadya.
Diyata bunsong anak ko
di mangyayaring mabago
ang pagpanaw, pag-alis mo
ano ang aasalin ko
kung mahiwalay sa iyo!
Yamang ito’y siyang utos
at kalooban ng Diyos
mapait ma’t di masayod
at mahapdi man sa loob
titiisin ko nang tibobos.
Nguni at ang aking hiling
sa bunso ko’t aking giliw,
sana’y sabihin sa akin,
kung saan ka hahanapin
ng ina mong nanimdim?
Ang sagot sa Birheng mahal
nitong anak na papanaw:
ina’y di ka maiiwan
ikaw ay sasamahan
ng pamangkin mong si Huan.
Pawiin ang madlang dusa,
at ang luha mo sa mata,
mahapdi ma’y aanhin baga,
ikaw rin po lamang ina
ang aking kasama-sama.
Datapuwa’t madlang sakit
daing ng inang may hapis
aling dila ang magsulit
aling mataas na bait
ang di magputok ang dibdib.
Tumatangis kapuwa na
bubuntu-buntong hininga,
dibdib ay kakaba-kaba,
at nagpaalam pagdaka
si Hesus sa Birheng Ina.
Niyakap na nga si Hesus
niyong Inang nalulunos,
luha sa mata’y nanagos,
at saka siya nanaog
sampung mga disipulos.
Sinusundan din ng mata
nitong may lumbay na ina,
gayon din ang anak niya,
linigo’t di mabata
ang inang nababalisa.
Nang di na niya matanaw
ang anak na minamahal,
pumasok na kapagkuwan,
sa silid niyang tahanan
hapis na di ano lamang.
Itong mahal na Mesias
nagpatuloy ng paglakad
inaaliw ng alagad,
mga Misteryong mataas
siyang ipinahahayag.
Nang sapitin nila naman
Olibeteng kabundukan
na di malayo sa bayan,
doon muna nagtumahan
hanggang lumubog ang araw.
At inaralang lahat na
ni Hesus ang mga sama;
pawang wikang magaganda,
na sukat ikaginhawa
ng kanilang alaala.
Nang alas-tres na ang araw
si San Pedro’t si San Juan
tinawag niya kapagkuwan,
at saka pinangusapan
ito ang siyang tinuran.
Kayo, aniya’y umuna
at sa baya’y pumasok na
doo’y inyong makikita,
isang taong nagdadala
ng tubig sa bangang isa.
Alinsunurin pagkuwan
saan man siya humanggan
ang pasukin niyang buhay,
kayo at pumasok naman
at siya kong kalooban.
At ang saysaying totoo
sa bahay ay turan ninyo
doon ako magpapasko,
at nang ituro kung ano
laan sa araw na ito.
Nang ito’y maipangusap
ni Hesus na nagpahayag
ay ang dalawang alagad
kapagdaka ay lumakad
at sa bayan nagsitambad.
Sa pagparoo’y nakita
yaong tanda sa kanila,
sinunod kapagdaka,
Nang una’y kaugalian
niyong taong kalahatan,
taon yao’y napipisan
ang buong sangkahudyohan
sa Herusalem na bayan.
Kapag ikalabing-apat
buwan ng Marso ang bansag
magpipisan na ang lahat,
tuwa nang pasasalamat
ng manaw sa paghihirap.
Sapagka’t ng unang araw
bihag ang sangkahudyohan
ni Paraong haring hunghang,
at alipin silang tunay
ng taga-Ehiptong bayan.
Si Moises at hindi iba
ang sa kanila’y kumuha,
himalang kataka-taka,
sa hari’ipinakita
pagtubos nga sa kanila.
Ito ngang araw na ito
ang pagsasaya ng hudyo;
nang pagpanaw sa Ehipto,
araw ng Paskuang ganito
kaya sila dumarayo.
Nang Huwebes pagka umaga
si Kristo ay gumayak na
at nagpaalam sa ina,
tutupdin na ngang talaga
pagsakop niya sa sala.
Aniya ako’y paalam,
kalapating minamahal
ina kong kinalulugdan;
ito na ang takdang araw,
sa Diyos na kalooban.
Dumating na pong totoo
araw na hinihintay ko
ng pagsakop ko sa tao;
magdalita ang ina ko,
ako’y paalam sa iyo.
Ina huwag kang mahapis
sa pagpanaw ko’t pag-alis
masaklap man at mapait,
titiisin at siyang ibig
ng Ama kong nasa langit.
Nang matanto ni Maria
yaong sabi sa kaniya,
dibdib ay kumaba-kaba
at tumangis kapagdaka.
ito ang ipinagbadya.
Diyata bunsong anak ko
di mangyayaring mabago
ang pagpanaw, pag-alis mo
ano ang aasalin ko
kung mahiwalay sa iyo!
Yamang ito’y siyang utos
at kalooban ng Diyos
mapait ma’t di masayod
at mahapdi man sa loob
titiisin ko nang tibobos.
Nguni at ang aking hiling
sa bunso ko’t aking giliw,
sana’y sabihin sa akin,
kung saan ka hahanapin
ng ina mong nanimdim?
Ang sagot sa Birheng mahal
nitong anak na papanaw:
ina’y di ka maiiwan
ikaw ay sasamahan
ng pamangkin mong si Huan.
Pawiin ang madlang dusa,
at ang luha mo sa mata,
mahapdi ma’y aanhin baga,
ikaw rin po lamang ina
ang aking kasama-sama.
Datapuwa’t madlang sakit
daing ng inang may hapis
aling dila ang magsulit
aling mataas na bait
ang di magputok ang dibdib.
Tumatangis kapuwa na
bubuntu-buntong hininga,
dibdib ay kakaba-kaba,
at nagpaalam pagdaka
si Hesus sa Birheng Ina.
Niyakap na nga si Hesus
niyong Inang nalulunos,
luha sa mata’y nanagos,
at saka siya nanaog
sampung mga disipulos.
Sinusundan din ng mata
nitong may lumbay na ina,
gayon din ang anak niya,
linigo’t di mabata
ang inang nababalisa.
Nang di na niya matanaw
ang anak na minamahal,
pumasok na kapagkuwan,
sa silid niyang tahanan
hapis na di ano lamang.
Itong mahal na Mesias
nagpatuloy ng paglakad
inaaliw ng alagad,
mga Misteryong mataas
siyang ipinahahayag.
Nang sapitin nila naman
Olibeteng kabundukan
na di malayo sa bayan,
doon muna nagtumahan
hanggang lumubog ang araw.
At inaralang lahat na
ni Hesus ang mga sama;
pawang wikang magaganda,
na sukat ikaginhawa
ng kanilang alaala.
Nang alas-tres na ang araw
si San Pedro’t si San Juan
tinawag niya kapagkuwan,
at saka pinangusapan
ito ang siyang tinuran.
Kayo, aniya’y umuna
at sa baya’y pumasok na
doo’y inyong makikita,
isang taong nagdadala
ng tubig sa bangang isa.
Alinsunurin pagkuwan
saan man siya humanggan
ang pasukin niyang buhay,
kayo at pumasok naman
at siya kong kalooban.
At ang saysaying totoo
sa bahay ay turan ninyo
doon ako magpapasko,
at nang ituro kung ano
laan sa araw na ito.
Nang ito’y maipangusap
ni Hesus na nagpahayag
ay ang dalawang alagad
kapagdaka ay lumakad
at sa bayan nagsitambad.
Sa pagparoo’y nakita
yaong tanda sa kanila,
sinunod kapagdaka,
sa bahay nila inihanda
ang kasangkapang lahat na.
ang kasangkapang lahat na.
0 comments:
Post a Comment