Friday, February 13, 2009

PASYONG MAHAL -HIMALANG GINAWA NI HESUKRISTO SA LIMANG TINAPAY AT SA DALAWAING ISDA

Himalang ginawa ni Hesukristo

sa limang tinapay at sa

dalawang isda

Ano nga’y nang mapanood

niyong mga disipulos

araw ay nasa taluktok:

agad nag-wika kay Hesus

at nangusap na tibobos.

Panginoon po, anila

iyong paalisin muna

sila po’y pasa bayan na

at tanghalo nang talaga

pawang nagugutom sila.

Ang sagot ng Poon natin

ano’t sila’y paalisin?

dito’y inyo nang pakanin

dapuwa saan po kukunin

ang tinapay na kakanin?

Dalawangdaan denario,

tinapay na dalhin dito

wika ni Felipe’y ano?

pagkakasiyahin, Poon ko

sa gayong karaming tao!

Dito po ay walang taglay

kundi lilimang tinapay

at dalawang isda naman,

paanong pangyayarihan

ng makabusog sa tanan?

Ani Hesus, inyo lamang

dalhin dito ang tinapay

sampu ng isdang nariyan

pagdating ay kanya namang

agad na binendisionan.

Pinamalagi na rito

niyong mga disipulo

sa lahat ng mga tao;

nangabusog na totoo,

kataka-takang milagro!

Awang hindi hamak-hamak

nitong mahal na Mesias

pawang nabusog na lahat,

ang nalabi pa’y di hamak

labindalawang canastas.

Nang makakaing matapos

na ang lahat ay mabusog

sampung mga disipulos,

lumakad na ngang tibobos

itong ating Poong Diyos.

Isang araw’y napipisan

ang Apostoles na tanan

tinanong sila pagkuwan,

ni Hesus kung anong bagay

ang mga usap sa bayan.

Ani Hesus at kung ano

yaong nangarinig ninyo,

mga usapan ng tao

kung ako kaya ay sino

sa masid nilang totoo?

Ay ang sagot sa kaniya;

ikaw raw po’y dili iba

yaing si Huan Bautista,

anang iba’y Elias ka

Heremias na Propeta.

Kung gayon, anitong Berbo

ang sapantaha ng tao,

nguni at sa masid ninyo,

pili long mga katoto,

sino kaya’t alin ako?

Nang marinig na maigi

ni Pedrong kaniyang kasi

ay sinagot ng gayari,

Tu es filius Dei vivi

anak ng Diyos kang kasi.

Samakatuwid kung baga

si Kristo’y ikaw, aniya,

anak ng Diyos na isa,

sasakop at kakalara

sa sansinukubang sala.

Tinugon naman ni Kristo

ang apostol na katoto;

ikaw, ang wika ni Pedro,

samakatuwid ay bato,

tigas na di mamagkano.

At pagbabatayan ka pa

ng kapuwa batong iba

ibababaw kong talaga,

sa iyo ang Santa Iglesia

alagaan mo tuwi na.

Ikaw’y siyang magtatangan

ng susi sa kalangitan

balang iyong kalooban,

na papasuking sino man

aking tinatanggap naman.

0 comments: