Ang paghuhubad ng mga Hudyo sa
ating Panginoong Hesukristo
Ito ring Kalbario naman
pinili ng mga hunghang
kay Kristong pagpapakuan,
ang Golgota kung turingan
ng mga hebreong tanan.
Ay ano’y dumating na
ang mananakop sa sala
sa lupa nilang talaga,
hinubaran kapagdaka
niyong mga palamara.
At dito ng sa paghubad
niyong damit ng Mesias
ay nabaguhan ng antak,
sa di kawasang hirap
sa pagpaknit nga sa sugat.
Nuli na naman nasalang
sugat niya sa katawan
ang hapdi’y ano lamang
masahol ang inanitan
ang dugo ay naglalapaw.
Itong Korderong marikit
walang kibo’t walang imik
nagbabata’t nagtitiis,
ng di mamagkanong sakit
dahil sa taong bulisik.
Sa mahubuang matapos
itong ating Poong Diyos
ay ang mga pariseos,
nagmunukalang tibobos
ng ibang gawin kay Hesus.
Dating ugali ng minsan
ang papataying sino man
ang hirap ng matagalan
ay paiinumin naman
ng alak na minirahan.
At ng lalo pang maghirap
ang matiising Mesias
ay kanilang idinagdag
doon sa mira at alak
ang apdong lubhang masaklap.
At ipinainom naman
niyong mga tampalasan
di rin lumagok munti man
at ng malubos na tunay
ang kaniyang kahirapan
ating Panginoong Hesukristo
Ito ring Kalbario naman
pinili ng mga hunghang
kay Kristong pagpapakuan,
ang Golgota kung turingan
ng mga hebreong tanan.
Ay ano’y dumating na
ang mananakop sa sala
sa lupa nilang talaga,
hinubaran kapagdaka
niyong mga palamara.
At dito ng sa paghubad
niyong damit ng Mesias
ay nabaguhan ng antak,
sa di kawasang hirap
sa pagpaknit nga sa sugat.
Nuli na naman nasalang
sugat niya sa katawan
ang hapdi’y ano lamang
masahol ang inanitan
ang dugo ay naglalapaw.
Itong Korderong marikit
walang kibo’t walang imik
nagbabata’t nagtitiis,
ng di mamagkanong sakit
dahil sa taong bulisik.
Sa mahubuang matapos
itong ating Poong Diyos
ay ang mga pariseos,
nagmunukalang tibobos
ng ibang gawin kay Hesus.
Dating ugali ng minsan
ang papataying sino man
ang hirap ng matagalan
ay paiinumin naman
ng alak na minirahan.
At ng lalo pang maghirap
ang matiising Mesias
ay kanilang idinagdag
doon sa mira at alak
ang apdong lubhang masaklap.
At ipinainom naman
niyong mga tampalasan
di rin lumagok munti man
at ng malubos na tunay
ang kaniyang kahirapan
0 comments:
Post a Comment