Sunday, March 1, 2009

PASYONG MAHAL - VIERNES SANTO-ANG PAG-PAGPAPAKO SA ATING PANGINOONG HESUKRISTO


VIERNES SANTO

Ang pagpapako sa ating
Panginoong Hesukristo

.

Gayong sabi at tadhana
ni San Mateong nag-wika
sa di umiinom na kusa,
si Hesus, ay alipala
sa Krus nga ipinahiga.

Sa mabutasan na nila
ang pahalang at paripa
ibinabaw kapagdaka,
ang kaliwang kamay niya
siyang pinakuang una.

Nang kanilang isusunod
ang kanang kamay ni Hesus
ay di isa man umabot,
doon sa butas ng Krus
na pagpapakua’t kapos.

Kapagdaka ay binatak
niyong mga taon uslak
hanggang pumantay sa butas
kasu-kasuan’y nalinsad
sa lakas ng pagkabatak.

Ano’t pa’t hindi tumugot
yaong mga balakiyot
hanggang hindi nga umabot,
ang kanang kamay ni Hesus
doon sa butas ng Krus.

Ang pang hindi magaso
ng Poong si Hesukristo
pinakuan naman dito,
ng mga layas at lilo
ito naman ay tingnan mo!

Ang dugong nananambulat
di masapa’t di maampat
baha ang siyang katulad,
sa lupa ay nagdaranak
ang lumalabas sa sugat.

Bangkay na manding tibobos
itong ating Poong Diyos
na nabibitin sa Krus,
kamay, paat sampung tuhod
di na niya maikilos.

Lalung-lao at mahigpit
sa madlang hayop na ganid
loob nga ng malulupit,
batung buhay ang kaparis
na di lumata’t nahapis.

Nang mapakuang matapos
ang Krus nga’y itinaob
naparapa nga si Hesus,
ang mukha ay nasubasob
sa lupa’t mga alabok.

Yaong mga pakong bakal
na lumagpas sa likuran
binaluktot at sinalsal,
pinukpok at pinagtibay
sa Krus na pinagpakuan.

A R A L

Lagnat liping pagkagutom
kasalanan ng panahon
pagtiisan natin yaon,
pakundangan na sa Pasyon
ni Hesus na ating Poon.

Aba buhalhaling asal
mapagpawili sa layaw
ginhawa ang hangad lamang
walang laging katuwaan
di nahalinhan ng lumbay.

Walang yumaman sa lupa
na hindi muna nagdukha
yao’y siyang mag-iingat
lahat nama’y nagsitanggap
nang nayari nilang usap.


Ano pa at pawang linsil

daya’t hibong sinungaling

hinog mabuti sa tingin,

hilaw kung pagmalasin

nakahihirin kung kanin.


Ikaw ay huwag panulos

sa dilang tuwa at lugod

ng katawan mong mairog,

kisapmata’y di mag-abot

nawawala’t natatapos.


Ano at pawang lihis

sukat nating ipanganib

solopika at malupit

bibigan at walang bait

mga gawa’y di matuwid.

Palibhasa’y taong hamak

ang gawa ay pawang linsad

kaya ngayon ay ang dapat

ng sakit at madlang hirap

ni Hesus ay ikahabag.

0 comments: