Ang pag-uutos ng mga hudyo
na umugin ang hita ng mga
pinarurusahan.
Ganap na nga at puspos
ang pagkalara at pagsakop
nitong maawaing Diyos,
kaya nagbantang tibobos
nang pagkamatay sa Krus.
Siya ay napapagitna
sa dalawang makuhila
dito nagbagong akala,
yaong mga aliktiya
pariseong nangayaya.
Anang mga taong lilo
na nangagpako kay Kristo
inyong umuging totoo
ay hayo anila kayo,
hita niyong mga lilo.
Nalis at agad pumanaw
yaong mga inutusan
sa Kalbario’y nagtuluyan
dinatnan pa nilang buhay
ang dalawang magnanakaw.
Inumog kapagkaraka
yaong hita ng dalawa
dito naman ang mula na,
pagkakamit ng ginhawa
kay Dimas na kaluluwa.
Hindi na nila ginalaw
ang kay Hesus na katawan
sapagka nga napagmasdan,
di humuhinga munti man
at totoo na ngang patay.
Lalong sukat ikagitla
ngayon at ikabalisa
bakit si Kristo’y patay na
tagilira’y inulos pa
ni Longinos na masigla.
Nguni’t ito’y siyang utos
at kalooban nang Diyos
na doon ngani umagos,
sa tagiliran ni Hesus
yaong pitong Sakramentos.
Kaya nga’t ng masugatan
ang dibdib niyang mahal
dugo’t tubig ang bumukal,
na inihugas a tanan
sa taong makasalanan.
Batis ito’y sadyang puente
binubukalang parati
ng awang kawili-wili,
at grasiang hindi masabi
ng Diyos naparuhagi.
0 comments:
Post a Comment